Home » Articles » Spiritual / Religion

Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko?

Marami sa ating mga Pilipino ang nag-aantay ng buwan ng Disyembre. Marahil maraming dahilan kung kaya sabik na sabik ang bawat isa sa atin kapag sumasapit ang buwan na ito.

Siguro ang iba gustong matanggap ang kanilang bunos sa pinapasukan nilang trabaho. Marahil ang iba naman ay gustong mamasyal sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan.

Ang iba naman ay gustong makasama ang kanilang pamilya na hindi nila nakapiling sa nakalipas na buwan o taon.

Marami rin sa atin ang nagtatanong sa ating sarili bakit nga ba mahalaga ang pagdiriwang ng pasko?

Bakit mahalaga ang Pagdiriwang ng Pasko?


1. Ito ang Araw ng Kapanganakan ng Tagapaligtas na si Hesus.

Ang pinakamahalagang dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang pasko ay ito ang araw ng kapanganakan ng ating Tagapagligtas na si Hesus. Marapat lamang na paglaanan ng panahon at lubos na pahalagahan ang araw ng Pasko.

Ito ang lalong higit na dahilan kung kaya ipinagdiriwang ng marami sa ating mga Pilipino ang pasko ay dahil naaalala nila kung kailan ipinanganak si Hesus.

Marami sa atin ang naniniwala na ipinanganak si Hesus sa Bethlehem sa petsang Disyembre 25.

Kaya marami sa atin ang sabik na sabik sa pagsapit sa araw na ito. Dahil sa sobrang sabik ang ilan sa atin ay mayroong nagsasadula kung papaano ipinanganak si Hesus.

May gumaganap na Maria mayroon ding gumaganap na Jose at mayroong ding gumaganap na Hesus.

Ito kasi yung paraan ng iba para alalahanin nila at ipagdiriwang ang kaarawan ng kapanganakan ni Hesus.

2. Ito ang panahon na magkasama-sama ang Pamilya

Siguro ang sagot dito ng maraming Pilipino ay dahil sa pasko, may mga pamilyang nagsasama-sama.

Ito kasi yung pagkakataon na nagbabakasyon ang marami sa ating mga kababayan galing sa abroad o kahit dito sa Pilipinas sapagkat dito nila napagtutuunan ng malaking panahon at atensyon para makasama nila ang kanilang pamilya o ang mga mahal nila sa buhay.

3. Ito ang panahon na mamasyal o magbakasyon kasama ang mga mahal sa buhay

Ang ibang naman ay namamasyal sa mga lugar na gusto nilang puntahan.

Ang iba naman ay nanonood ng sine kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, at marami pang katulad nito.

Ganito kasaya kapag magkakasama ang pamilyang Pilipino habang ipinagdiriwang nila ang araw ng pasko.
 

4. Nagdudulot ng kakaibang kasiyahan at pagkamangha dahil sa iba’t-ibang uri ng palamuti tuwing pasko

Nang dahil rin sa pasko, nagiging masaya ang marami sa ating mga Pilipino kasi ito yung pagkakataon na makikita nila ang magaganda at nagliliwanag na mga Christmas lights habang nakasabit ito sa mga Christmas tree.

Ang iba naman ay masayang tinitingnan ang mga iba’t- ibang uri ng mga parol na nakasabit sa mga park o kahit sa gilid ng kalsada. Higit sa lahat na kinasasabikan ng marami sa atin ang Manood ng fireworks display sa itinakdang araw ng pagbubukas nito.

Sinasabi nila na nakakawala raw ito ng pagod lalo na kapag kasama mong manood ang taong mahal mo, at kahit ang mga mahal mo sa buhay.
 

5. Ito ang panahon ng pagbibigayan

Marami sa mga kabataang Pilipino na gustong makapiling at makita ng personal si Santa Claus sa paniniwalang bibigyan sila ng mga regalo at ng mga pagkain.

Nariyan rin ang exchange gifts kapag may Christmas party sa mga paaralan o kahit sa trabaho mapa publiko man o pribado

Ito rin yung araw na ang mga monito at monita, ang siyang nagbibigay ng mga Aguinaldo tulad ng pera at regalo sa kanilang mga kamag-anak.

Kaya sabik na sabik ang maraming kabataang Pilipino kapag makita nila ang kanilang mga lolo at lola o kahit ang kanilang mga Ninong at Ninang na nagbibigay sa kanila ng Aguinaldo sa tuwing sasapit ang araw ng pasko.

6. Kumikita ng pera at lalong nabibigyan ng kahulugan ang Pasko sa pamamagitan ng pangangaroling o pagkanta ng mga awiting pamasko

Marami rin sa ating mga Pilipino ang nangangaroling hindi lamang sa kumikita sila kundi dahil masaya sila sa kanilang ginagawa.

Sa katunayan hindi pa dumarating ang araw ng pasko ay marami sa ating mga Pilipino ang nangangaroling na sa mga bahay-bahay. Iba’t-iba ang uri ng pagkanta ng mga Pilipino sa mga awiting pamasko.

Ang iba sa kanila ay naka choral group. Ang iba naman ay may kasama pang instrumento.

At ang iba pa nga ay nag so-solo. Ginagamitan din nila ito ng iba’t-ibang uri ng klase ng pagkanta tulad ng medley, pop, at iba pang kauri nito.

Ginagawa nila ito upang makapagbigay ng saya sa mga kapwa Pilipino na nagdiriwang ng pasko.
 

7. Ito ang panahon na makakatanggap ng bunos ang mga mangagawang Pilipino.

Marami sa mga Pilipino ang nag-aantay rin sa buwan ng Disyembre kasi dito nila matatanggap ang kanilang mga bunos mula sa kanilang pinapasukang trabaho.

Ito na rin ang kanilang ginagamit para mayroon silang maihanda sa pagdiriwang ng araw ng pasko.
 

8. Nakakatikim ng pambihirang paghahanda ng pagkain o Noche Buena

Ito rin yung isa sa mga dahilan kung kaya mahalaga ang pagdiriwang ng pasko kasi ito yung pagkakataon ng pagsasalu-salo ng mga pamilyang pilipino habang ikinukwento nila ang mga masasayang ala-ala nilang magkakapamilya.

Tuwing Noche buena, o bisperas pa lang ng pasko ay naghahanda na ang mag-anak ng mga panghating-gabing pamahaw o pagkaing natatangi at madalas ihain tuwing araw ng pasko, kasama ang mga prutas na hugis bilog sa paniniwalang ito raw ay pampaswerte.

Ito rin yung panahon na maraming inihahandang iba’t-ibang uri ng putahe ang mga Pilipino katulad ng salad, menudo, fried chicken, lechon at marami pang iba.

Kaya habang inaantay nating mga pilipino ang araw ng pasko ay lubos nating pinaghahandaan ang pagdiriwang nito.

Ang tunay kasi na nagdiriwang ng pasko ay hindi lamang sa ganda ng liwanag ng mga Christmas Light sa kanilang bahay, hindi sa ganda ng mga parol na nakasabit sa gilid ng bintana o sa mga poste, o kahit sa mga Christmas Tree na napapaligiran ng mga magagandang  mga palamuti, kundi sa isang pamilya na buo at sabay-sabay na nagdiriwang ng pasko.

Masaya ang pasko kung kumpleto ang pamilya, Sama-samang kumakain sa hapag kainin, nagtatawanan, nagkukuwentuhan, at binabalikan ang mga masasayang sandali.

Para sa atin ang pasko ay mahalaga kung kaya ito ay ating ipinagdiriwang dahil ito ang kaarawan ni Hesus at dapat tayo magsimba upang magpasalamat sa mga biyayang binibigay nya at ibibigay pa niya sa atin.
 
============ 000 ================

Meron ka pang gustong idagdag na mga dahilan kung bakit mahalaga ang padiriwang ng Pasko. Ipost niyo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Bakit mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko?" was written by Mary under the Spiritual / Religion category. It has been read 44851 times and generated 3 comments. The article was created on and updated on 20 February 2021.
Total comments : 3
Uvaicn [Entry]

atorvastatin online <a href="https://lipiws.top/">order generic atorvastatin 20mg</a> buy atorvastatin 40mg online cheap
CARL GIANN CEDRYCHE GO ANG [Entry]

Ggfvgvegfbrgfvrhegfzfvtvghggbubg

C g
CARL GIANN CEDRYCHE GO ANG [Entry]

Fuck you