Home » Articles » Philippine Government

Panata sa Karapatang Pantao

PANATA SA KARAPATANG PANTAO

Ako'y mamamayang Pilipino.
Kikilalanin ko, igagalang,
ipagtatanggol at isasakatuparan
ang dangal at karapatan ng bawat tao
nang walang pinapanigang kasarian,
lipi, pananampalataya
at katayuan sa buhay
Diringgin ko ang tinig ng kabataan,
kababaihan, nakatatanda, katutubo
at mga taong may kapansanan
nang may paggalang at pagkilala
sa kanilang kakayahan.

Titiyakin ko na ang bawat bata
ay hindi salat sa pagkalinga,
at may matiwasay na lipunang ginagalawan.

Tututulan ko ang pagmamalabis
sa kapangyarihan, katiwalian,
at pagyurak sa karapatan
ng mga manggagawa, mga mahihirap,
at mga sector na higit na nangangailangan.

Paninindigan ko ang aking pananagutan
sa aking kapwa.

Babantayan ko
na gagampanan ng pamahalaan
ang kaniyang tungkulin
na igalang, ipagtanggol at isakatuparan
ang mga karapatang pantao.

Magkapit-bisig tayo sa pagsulong
sa katuparan ng lahat ng
Karapatang Pantao. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Panata sa Karapatang Pantao" was written by Mary under the Philippine Government category. It has been read 6990 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 November 2011.
Total comments : 0