Tayo ay mga Filipino na taos-puso ang pagmamahal sa ating Inang Bayan.
Nananalig tayo na ang tunay na kapayapaan ang pundasyon ng sustenableng kaunlaran para sa ating lahat.
Dahil dito, pananatiliin nating mulat ang bawat-isa ukol sa mga Peace Talks tungo sa makatarungan, komprehensibo at matagalang kapayapaan.
Dudulog tayo sa gobyemo at sa mga armadong rebolusyonaryong grupo na igalang at isakatuparan nila ang lahat ng mga pinirmahan nilang mga kasunduan tungo sa hangad nating kapayapaan.
lsusulong at ipagtatanggol natin ang mga karapatang pantao at ang International Humanitarian Law. Kokondenahin natin ang mga paglabag dito ninuman.
Hihikayatin natin ang gobyemo at lahat ng mga armadong rebolusyonatyong grupo na itigil na nila ang mga giyerang isinusulong nila sa ngalan ng Sambayanang Filipino bago matapos ang 2012.
Ipaglalaban natin ang karapatan ng Sambayanang Filipino na malaman ang lahat ng mga pag-uusapan sa mga magaganap na mga Peace Talks at maging aktibong kabahagi ng peace process.
Magkakapit-bisig tayo para palakasin ang partisipasyon ng Sambayanang Filipino sa peace process.
Magba-Bayanihan para sa Kapayapaan tayo para sa epektibong pagpapatupad ng lahat ng mga mapagkakasunduang programa at proyekto sa open and participatory peace talks na gaganapin dito sa ating Bayan.
Tayo ay mga Kabayani para sa Kapayapaan na sumusumpang isasabuhay ang mga ito para sa kapakanan natin at ng susunod pang mga henerasyon. - https://www.affordablecebu.com/