Narito ang mga epekto ng bawal na gamot (droga) sa iyong pamayanan:
2. Kung ang nalulong sa droga ay isang magulang (may anak), ang mga anak ay kalimitang napapabayaan o inaabuso. Mas inuuna pa ang kanyang pansariling kapakanan para magkaroon at gumamit ng droga kesa sa pangangailangan ng kanyang mga anak o pamilya.
3. Nakakaapekto din sa ekonomiya at mga negosyo ng pamayanan ang mga empleyadong nalulong sa bawal na gamot. Isipin mo na lang kung ang isang piloto ng eroplano ay adik. Paano kaya kung ang drayber ng bus na sinasakyan mo ay adik? Ano ang magiging kahinatnan ng mga pasahero na minamaneho ng isang adik?
4. Kapag dumami ang mga adik sa isang pamayanan, lalong nabibigatan ang pamahalaan sa pangangalaga ng mga ito. Dagdag gastos ito sa mga "rehabilitation centers" at "social services" dahil mawawalan na ng suportang pang-pinansyal ang ibang mga anak ng mga adik na magulang.
5. Lalong dadami ang mga krimen tulad ng karahasan, pagnanakaw at pang-aabuso sa pamayanan dahil sa mga adik. Dahil sa wala na sa tamang pag-iisip, kung ano-ano na ang ginagawa ng mga adik tulad ng pamamaril, pagsunog sa mga ari-arian ng iba, panghohold-ap, pangagahasa ng mga babae, atbp.
6. Lalong nagiging abusado ang mga protektor ng mga "druglord" at adik. Nagiging konsintidor at parang mga asong hindi makatahol ang mga pulis na pumuprotekta sa mga adik na ito.
7. Nakakasama sa kapiligiran ang mga kemikal na sangkap ng mga ipinagbabawal na droga. Ang ibang "drug lab" o "shabu lab" ay nagtatapon ng mga "toxic waste materials" nila kung saan-saan kagaya ng pagtatapon sa ilog o sa dagat.
Meron ka pa bang pwedeng idagdag sa mga epektong dulot ng bawal ng gamot? Paki-post sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/