Home » Articles » Philippine Government

Ang Aking Magagawa sa Pamayanan, Lipunan o Bansa

Ang daming pwede gawin upang makatulong sa pamayanan, lipunan o bansa. Maaaring hindi mo lang napapansin. 

Ang mga ginawa ng mga magulang mo gaya ng pagtulong sa mga kalinisan sa kapaligiran sa baranggay, mga  pakikilahok sa mga pagpupulong na may kinalaman sa pagpapaunlad sa pamayanan, pagbibigay ng mga donasyon sa mga programa na nakakatulong sa pamayanan atbp.

Yan ay ilan lang sa mga halimbawa. Marami pang mga bagay na magagawa mo na nakatutulong sa pamayanan.

Ilista natin isa-isa ang mga bagay na yon.

Ang Aking Magagawa sa Pamayanan, Lipunan o Bayan


Ang Aking Mga Magagawa sa Pamayanan, Lipunan o Bayan

  1. Pagsamba sa Diyos o Allah o sinumang Diyos na kinikilala mo
  2. Wag kang pumatay
  3. Wag kang mandaya
  4. Wag ipahamak ang ibang tao sa kalokohan mo.
  5. Wag kang mambabae, maki-apid o magkaroon ng ibang asawa kapag Kristiyano ka at may asawa ka na.
  6. Igalang ang mga nakakatanda
  7. Wag kang manakit ng ibang tao
  8. Wag gawin ang mga ipinagbabawal na mga sugal.
  9. Tulungan ang mga totoong nangangailangan ng tulong.
  10. Tumulong sa pagpapanatili ng katahimikan o kapayapaan sa iyong pamayanan.
  11. Ingatan at alagaan ang kalikasan.
  12. Maging malinis sa kapaligiran.
  13. Iwasan ang polusyon at i-report ang mga lumilikha ng nakalalason o nakamamatay na polusyon.
  14. Sumunod sa batas trapiko: wag mag jaywalking, wag lumakad sa daan kapag naka-pula ang traffic light.
  15. Sumunod sa batas na pagbabawal ng sigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar.
  16. Sumunod sa batas na wag magsunog ng plastic o basura sa mga ipinagbabawal na lugar o baranggay.
  17. Pakikiisa sa gawaing paglilinis sa purok, sitio o baranggay.
  18. Pakikiisa sa mga aktibidad sa sports
  19. Pagbibigay ng maliit na donasyon para aktibidad ng baranggay o purok.
  20. Pag-report ng krimen sa baranggay o police
  21. Pag-report ng sunog sa baranggay, police o sa opisina ng fire station.
  22. Pag-report ng taong maysakit ng COVID19 sa baranggay o sa police.
  23. Pag-report ng aksidente sa police o sa ospital.
  24. Pag-report sa police ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
  25. Pag-report sa police ng mga taong may masamang hangarin sa lungsod, sa mga tao, politiko at mga ma-impluwensiyang tao.
  26. Sa panahon ng COVID-19 pandemic, kailangan magsuot ka ng facemask kapag lumabas ng bahay.
Alam kong marami pang ibang pwede gawin na makakatulong sa lipunan.

Meron ka bang ibang alam na pwede mong magagawa na nakatutulong sa iyong pamayanan? Ipost mo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ang Aking Magagawa sa Pamayanan, Lipunan o Bansa" was written by Mary under the Philippine Government category. It has been read 11301 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 07 March 2021.
Total comments : 0