Sitwasyon
Ipagpalagay natin na umuupa ka ng lupa (rent a land). Walang paltos ang bayad mo. Nagbabayad ka ng upa sa may-ari.Tapos nagpatayo ka ng bahay sa lupang hindi mo pagmamay-ari. Ngayong dumating ang panahon na gusto na raw ng may-ari ng lupa na gamitin ang lupa at paaalisin na kayo.
Ipagpalagay pa natin na walang konkretong plano ang may-ari ng lupa kung ano talaga ang gagawin niya sa lupang ito.
- Paano po ang bahay namin? Kami po ang nagpagawa nito.
- May karapatan ba ang may-ari ng lupa na paalisin kami kahit kami ang nagpatayo ng bahay?
- Mapipilitan bang bayaran ng may-ari ng lupa ang bahay na itinayo namin?
- Ano ang maaaring naming gawing aksyon dito?
Sagot (Payong Legal)
Kung may legal agreement kayo o "Contract of Lease", ibig sabihin nun nag-agree ka o sumang-ayon ka na ang landlord ang may-ari ng property at ikaw ay umuupa lang o gagamit lang ng lupa niya temporarily.Kung nakasaad sa "Contract of Lease" o legal agreement ninyo na up to halimbawa 30 years kang uupa sa lupa, walang karapatan ang may-ari ng lupa na paalisin ka within that 30-years leasing period. Kung 50 years ka nakakontrata na uupa sa lupa, walang karapatan ang may-ari ng lupa na paalisin o palayasin ka within that 50-year contract period.
Pero kung wala kayong "Contract of Lease" o anumang legal agreement, wala kang karapatan sa lupa. Pwede kang paalisin ng may-ari ng lupa kahit kailan.
Ano ba ang tinatawag na upa o renta (rent)? "...refers to an agreement where a payment is made for a temporary use of a good, service or property owned by another." Take note temporary.
Ibig sabihin wala kang right of ownership sa lupa na inuupahan mo kahit nag-rent ka ng 30 years or 50 years sa lupa na yan. Dahil umuupa ka lang. Temporary lang yon. Temporary lang ang right mo sa lupang yan.
Paano ang bahay namin? Kami po ang nagpagawa nito
Sa ganitong sitwasyon, ayon sa batas, ang may-ari ng lupa ang magdedesisyon kung ano ang gagawin niya sa lupa at maging sa bahay. Pwede niya bilhin ang bahay sa halagang 50% ng kabuuang halaga ng bahay. At pwede rin niyang ipatanggal o ipagiba ang bahay kung gugustuhin niya.May karapatan ba ang may-ari ng lupa na paalisin kami kahit kami ang nagpatayo ng bahay?
Opo kung wala kayong "Contract of Lease" o legal agreement o kung tapos na ang contract period. Pero kung meron kayong "Contract of Lease" at naka-kontrata kayo ng 10 years, 30 years or 50 years, hindi ka niya pwedeng paalisin sa lupa within that contract period.Pero kung matigas ang ulo mo kahit tapos na o expired na ang contract period o di kaya'y wala kayong "Contract of Lease" o legal agreement at gusto ka ng paalisin ng may-ari ng lupa, pwede kang kasuhan ng may-ari ng lupa dahil dito. Kung makapal ang mukha mo at ayaw mong umalis, magagawa mo ito hanggat walang court order. Kaya kung matigas ang ulo mo at ayaw mong umalis sa lupa, talagang mapipilitan ang may-ari ng lupa na mag-file ng kaso laban sa iyo at ang korte na na ang magdedecide na paalisin ka.
Kung halimbawa may "Contract of Lease" o legal agreement kayo na uupa ka sa lupa up to 10 years at gusto ka ng paalisin pero hindi pa tapos ang contract period halimbawa within 8 years paaalisin ka na. Pwede kang mag-file ng kaso sa korte kung gagawin ito ng may-ari ng lupa sa iyo.