"Wika Natin ang Daang Matuwid". Ito ang tema ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito (2013). Isasagawa natin ang buwan ng wika 2013 sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ito ay alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
Nahahati ang temang ito ayon sa bisyon at misyon ng ating mahal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ng KWF. Ganito ang pagkakahati sa pangkalahatang tema:
1. Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan;
2. Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian;
3. Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan;
4. Ang Wlka Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran; at
5. Ang Wika Natin ay Wika sa Pangangalaga ng Kapaligiran.

Sa mga sub-temang ito nakatuon ang iba't ibang mga programang ating gagawin sa buwan ng wika 2013.
Kaya hinihikayat ang mga kinauukulan na makilahok sa mga gawain at aktibidad na may kaugnayan pagdiriwang ng buwan ng wika.
Muli, binibigyang diin namin..."Wika Natin ang Daang Matuwid". Pahalagahan natin ang ating wikang Filipino, ang ating wikang pambansa.
- https://www.affordablecebu.com/