Ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang nakakagaan ng ating loob kundi nakapagbibigay din ito ng sobrang kasiyahan sa ating kapwa dahil sa tulong na kanilang tinanggap.
At higit sa lahat may kapalit na magandang karma sa iyo sa hinaharap at sa susunod na buhay ang pagtulong sa kapwa.
Narito ating pag-ibayuhin ang damdaming matulungin sa kapwa. Gumawa tayo ng mga slogan tungkol sa pagtulong sa kapwa at ang ikabubuti nito.
Mga Slogan tungkol sa Pagtulong sa Kapwa
- "Wag maging sakim at gahaman, Kapwa ay tulungan",
- "Kapwa ko, Mahal ko."
- "Bawasan ang masamang karma, Tulungan ang iba."
- "Diyos nasisiyahan, Kapag ang iba'y iyong tinutulungan."
- "Buhay gawing masigla, Tulungan mo ang iyong kapwa."
- "Sobrang biyaya wag ipagdamot, Sa mga nangangailangan laging iabot."
- "Kung ano ang itinanim, Siya ring aanihin."
- "Bawat pagtulong mo sa kapwa, Nag-iimbak ka ng magandang karma."
- "Tulong sa kapwa wag ipagkait, "
- "Kay ganda pagmasdan, Ang maraming tao na nagtutulungan."
- "Tadhana'y may inilaan na mabuting kapalaran, Ang mga taong tumutulong sa mga nangangailangan."
- "Dito isusulat ang iyong slogan" - dito naman ang iyong pangalan.
Kaya kung meron kang alam na slogan tungkol sa pagtulong sa kapwa, pwede mong ipost sa comment sa ibaba.
Isusulat namin ang iyong slogan sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/