Sa paggawa ng mabuti nakasalalay ang magandang pagtingin ng ibang tao sa iyo, ang iyong karangalan, ang iyong dignidad, at ang kagandahang loob.
Sino ba ang natutuwa sa taong gumagawa ng masama? Kaya marapat lamang na gawin kung ano ang ikabubuti at hindi ang ikasasama.
Bilang pagbubunyi sa kahalagahan ng paggawa ng mabuti, narito ang mga slogan tungkol sa paggawa ng mabuti na nakakapukaw ng damdamin para ang tao ay gumawa ng kabutihan sa kanyang kapwa.
Mga Slogan tungkol sa Paggawa ng Mabuti
- Gawin ang mabuti,
Nang may ngiti at kiliti. ;o) - Sa iyong paggawa ng mabuti,
Diyos ang saksi. - Gawin ang tama,
Kahit walang nakakakita. - Gawin ang mabuti,
Sa kabutihan ng marami. - Gawin ang mabuti,
Kahit hindi alam ng nakararami. - Sa paggawa ng mabuti,
Pagpapala ang ganti. - Sa paggawa ng mabuti,
Nalulugod ang marami. - Ang taong may malinis na budhi,
Gumagawa ng mabuti. - Sa paggawa ng mabuti, wag mag-alinglangan.
Upang ang tadhana hindi manghinayang sa pagbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. - Maging huwaran sa karamihan,
Gawin ang mabuti kahit saan at kahit kailan.