Ano ang pang-abay? Kahulugan at halimbawa nito
"Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay salitang naglalarawan ng kilos o galaw. Ito ay nagsasaad kung saan, kung paano, at kung kailan ginawa ang isang kilos o galaw.Uri ng Pang-abayPamaraan – ito ay nagsasabi kung paano ginawa ang isang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “paano.”Halimbawa: Mabilis tumakbo ang kabayo ni Mang Juan.Pamanahon – ito ay nagsasabi kung kailan ginawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “kailan.”Halimbawa: Kumain ako kaninang umaga ng itlog. Panlunan – ito ang salitang nagsasabi kung saan ginawa o nangyari ang isang kilos. Sumasagot ito sa tanong na “saan.”Halimbawa: Nagluluto sa kusina si Ate Ann.Panggaano – ito ay nagsasaad ng dami, lawak, timbang, bigat, halaga, o sukat ng pagsasagawa ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na “gaano.”Halimbawa: Maraming puno ang pinutol ng mga illegal loggers.Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon o pagpayag ukol sa isang pahayag. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng talaga, tunay, totoo, sigurado, at walang duda.Halimbawa: Totoong natuwa sila nanay dahil nakakuha ako ng mataas na grado sa Filipino. Pananggi – ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagsalungat ukol sa isang pahayag. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng hindi, ayaw, huwag, at wala.Halimbawa: Walang masulat na kwento ang tito kong manunulat.What’s your Reaction?+1 0+1 1+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Ano ang pang-abay? Kahulugan at halimbawa nito" was written by Mary under the Literature category. It has been read 376 times and generated 1 comments. The article was created on 30 January 2023 and updated on 30 January 2023.
|