Home » Articles » Literature

Ano ang pang-uri? Kahulugan at halimbawa nito

Ano ang pang-uri? Kahulugan at halimbawa nito
"Ang pang-uri o adjective sa wikang Ingles ay ang tawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay ng katangian sa pangngalan (tao, bagay, pook o pangyayari) at panghalip (pamalit sa pangngalan).Uri ng Pang-uriPang-uring Panlarawan – ito ang tawag sa mga pang-uring naglalarawan katangian at kalagayan (anyo, hugis, kulay, amoy) ng pangngalan at panghalip.Halimbawa:Nakakita ako ng mataas na gusali sa lungsod.Makulay na selebrasyon ang aming pinuntahan.

Pang-uring Pamilang – ito ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng dami o bilang, o kaya ay ang pagkakasunod-sunod ng pangngalan at panghalip.Halimbawa:Maglalakbay-aral kami sa isang pook na makasaysayan.Ikalimang medalya na ang kaniyang natanggap.Pang-uring Pantangi – ito ang tawag sa pang-uring hinango o nagmula sa mga pangngalang pantangi na ginagamit na panuring sa pangngalan.Halimbawa:Mayuming kumilos ang dalagang Pilipina.Una kong nahanap ang Dagat Tsina sa mapa.

Kaantasan ng Pang-uriMakikita ang pagkakaiba ng mga katangian sa pamamagitan ng kaantasan.Lantay – ang tawag kung ang pang-uring ginamit ay naglalarawan ng karaniwang anyo o kaantasan.Halimbawa:Mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas.Masikip ang daan papunta sa tindahan.Pahambing – ang kaantasan ng pang-uri kung ito ay naghahambing ng katangian ng dalawang pangngalan o panghalip.A. Para sa magkatulad na katangianKasing-, magkasing-, sing-Panlapi na ginagamit kapag ang salita ay nagsisimula sa mga patinig at katinig maliban sa d, l, r, s, t, b at p.Halimbawa:Magkasing-ayos ang proyekto ni Anna at May.Kasingkulay ng damit ni Tin ang kamiseta ni Joshua.Kasin-, magkasin-, sin-Panlapi na ginagamit kapag ang salita ay nagsisimula sa mga katinig na d, l, r, s, at t.Halimbawa:Sintibay ng puno ng narra ang kaniyang lakas ng loob.Magkasinsaya si Mark at James sa pagdating ng kanilang ina.Kasim-, magkasim-, sim-Panlapi na ginagamit kapag ang salita ay nagsisimula sa mga katinig na b at p.Halimbawa:Kasimpayat ng kawayan ang kaniyang braso.Magkasimputi ang magpinsan na sila Bea at Kris.B. Para sa di-magkatulad na katangianMas-kaysa, higit na-kaysa, lalong-kaysa, di-gaano-tulad ngHalimbawa:Mas masaya ang kaarawan ko noong isang taon kaysa ngayon.Lalong kahanga hanga ang kaniyang talent kasya dati.Pasukdol – ang tawag sa pinakamasidhing antas ng pang-uri. Naipapakita ito sa pamamagitan ng tatlong paraan.1. Pag-uulit ng salitaHalimbawa:

Ang linis-linis ng kalye sa Palawan.2. Paggamit ng mga panlaping pinaka-, napaka-, at kay-Halimbawa:
Napakasaya ng parade sa aming probinsya.3. Paggamit ng mga salitang tulad ng talaga, ubod ng, at sobra
Halimbawa:Ubod ng ingay sa kabilang bahay.Kayarian ng Pang-UriPayak – ito ang pang-uring binubuo lamang ng salitang-ugat.Halimbawa:Hinog na ang mga mangga sa puno.
Sariwa ang mga isda na kaniyang nabili.Maylapi – ito ang pang-uring binubuo ng salitang-ugat at panlapi.Halimbawa:Nanatiling luntian ang kanyang hardin.

Makulay ang naging selebrasyon sa paaralan.Inuulit – ito ang pang-uring nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit.Halimbawa:Punung-puno ng bisita ang kaniyang kaarawan.Masaya ako kapag nakakakita ako ng malulusog na bata.Tambalan – ito ang pang-uring binubuo ng dalawang salitaHalimbawa:Taus-puso ang kanyang naging pasasalamat.Madaming balikbayan ang dumating sa paliparan.What’s your Reaction?+1 3+1 1+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang pang-uri? Kahulugan at halimbawa nito" was written by Mary under the Literature category. It has been read 363 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 30 January 2023.
Total comments : 1
Gqbdwj [Entry]

cheap atorvastatin 10mg <a href="https://lipiws.top/">order atorvastatin online</a> lipitor pills