Ano ang Kambal Katinig at halimbawa nito
"Ang kambal-katinig o klaster (cluster sa Ingles) ay isang uri ng pagkakabuo ng salita. Matatawag na kambal-katinig ang isang salita kapag ito ay binubuo ng magkadikit na dalawang katinig na mabibigkas sa isang pantig. Halimbawa ng kambal katinigUpang mas maintindihan, narito ang mga halimbawa:Blusa (Blu-sa)Krayola (Kra-yo-la)Pluma (Plu-ma)Glosaryo (Glo-sar-yo)Prito (Pri-to)Komiks (Ko-miks)Granada (Gra-na-da)Mekaniks (Me-ka-niks)Tsokolate (Tso-ko-la-te)Trapo (Tra-po)Trilyon (Tril-yon)Braso (Bra-so)Grasya (Gras-ya)Kwarto (Kwar-to)Kwaderno (Kwa-der-no)Sa paglilinaw, magiging kambal-katinig lamang ang isang salita kung matatagpuan ito sa magkaparehong pantig. Importanteng alamin muna ang pagpapantig ng mga salita upang mas madaling matukoy ang mga klaster na salita.Halimbawa ng kambal katinig sa pangungusap:Ang salitang petsa (pet-sa) ay hindi isang klaster sapagkat magkahiwalay ang pantig nito.Ang salitang palda (pal-da) ay hindi rin isang kambal-katinig dahil hindi nakapaloob sa magkaparehong pantig ang titik ‘l’ at ‘d’. Ang salitang muwebles (mu-web-les) ay hindi klaster sa kadahilanang magkahiwalay ang pagkakabigkas ng ‘b’ at ‘l’.Ang salitang tigre (tig-re) ay hindi maaaring maging isang kambal-katinig dahil hindi mailalagay sa isang pantig ang dalawang katinig nito.Ang salitang negosasyon (ne-go-sas-yon) ay hindi rin isang klaster. Kadalasan itong nagiging karaniwang kamalian ng mga nakararami sapagkat mabilis ang pagbabaybay ng salitang ito. What’s your Reaction?+1 0+1 0+1 0+1 1+1 0+1 0+1 1 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
Please support us in writing articles like this by sharing this post
Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.
"Ano ang Kambal Katinig at halimbawa nito" was written by Mary under the Literature category. It has been read 415 times and generated 1 comments. The article was created on 29 January 2023 and updated on 29 January 2023.
|