SA MGA KUKO NG LIWANAG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at buod ng nobelang “Kuko Ng Liwanag”.
Ang nobelang “Sa Mga Kuko Ng Liwanag” ay tungkol sa magkasintahang kilala bilang si Julio at Ligaya. SIla’y nasadlak sa kahirapan at naglalayong maiangat ang kanilang mga sarili. Dahil dito, napagisipan nilang pumnunta sa Maynila para maka kuha ng mas malakaing oportunidad na makatrabaho.
Si Ligaya, bagamat napangakuan ng isang magandang hanapbuhay at oportunidad na makapag aral ay naging biktima ng malubhang panloloko at pagmamalupit. Katulad din ni Ligaya, si Julio ay nakaranas ng panlalamang at pangaabuso sa kanyang trabaho sa konstruksyon.
Ang temang tinatalakay sa nobela ay ang realidad na madali lamang maniwala sa mga bagay na pinapangako kapag ang isang tao ay mahirap. Bukod dito, kadalasang nabibiktima ang mga taong naghahangad na makawala sa kahirapan.
Kaya naman, sila’y nagiging biktima ng panlilinlang at abuso ng mga tao na walang puso. Sila’y pinapangakuan ng magandang kinabukasan pero kadalasan sila’y na-aabuso lamang at napipilitang magtrabaho dahil sa labis na kahirapan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
- https://www.affordablecebu.com/