Inimbitahan ako ni Helena kahapon.Nagluto ako ng isda kanina.Pinagalitan kami ng guro namin sa Filipino noong isang taon.2. Imperpektibo (Aspektong Pangkasalukuyan)Sinasaad ng aspektong ito ang mga kilos o aksyon na nangyayari sa kasalukuyan. Kadalasan itong ginagamit sa mga salitang habang, ngayon, at kasalukuyan. Dahil sa nilalarawan nito ang mga kilos na nangyayari, maari itong tawaging panahunang pangkasalukuyan.Halimbawa:Kasalukuyang binabatikos ng kabataan ang pulitikong kurap.Pinapakain ni Lita ang aso niyang si Brownie ngayon.Naglalaro ang mga bata sa putik ng ulan.3. Kontemplatibo (Aspektong Magaganap)Ito ang uri ng aspektong sinasaad ang mga kilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang. Kadalasan itong ginagamit sa mga salitang susunod, bukas, sa hinaharap, at pagdating ng panahon. Tinatawag din itong panahunang panghinaharap. Halimbawa:Kakainin ko ang tinapay ni Mona mamayang gabi.Pangako, mag-aaral na ako bukas!Matutulog ako sa bahay ni Larry sa susunod na linggo.4. TahasanSinasaad nito ang paggawa ng simuno sa pandiwa o kilos na naganap, nagaganap, o magaganap. Halimbawa:
Bibili si Manong Gary ng manok bukas.Si Lapu-lapu ang pumatay kay Ferdinand Magellan.Pinitas ni Rosita ang rosas sa hardin.5. BalintiyakKabaliktaran ng tahasan, sinasaad ng balintiyak ang paggawa ng kilos o pandiwa na kung saan ay hindi ang simuno ang gumagawa. Kadalasan, ang simuno ang nasa hulihan ng pandiwa.Halimbawa:Nasira ang mga gusali ng Senyorita.Ang mga sinampay ay nahulog ko sa bahay ni Lito.Ang hotdog ay natapon ni Bebang.What’s your Reaction?+1 2+1 1+1 1+1 0+1 0+1 0+1 1 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/