Kahirapan ng mga magsasaka. Napakaliit lamang ng mga batas na pinoprotektahan ang karapatan ng mga magsasaka, kung kaya’t kadalasan sa kanila’y naabuso’t nahihingian ng matataas na singil mula sa may-ari ng lupa. Bukod pa rito, hindi binibili ng mga malalaking negosyante ang mga inaani kung nakatungtong ito sa presyong may kamahalan, kung kaya’t napipilitan ang mga magsasaka na paliitin ang presyo ng bilihin. Habang ang mga haciendero’t ang mga mamimili ay naliligo sa yaman sa pagpapamahal ng singil at ng mga nabiling tanim, naiiwan ang mga magsasaka sa kakarampot na kita. Polusyon at pinsalang dulot ng pagmimina. Buhat ng sobra-sobrang pagmimina ay napakaraming napipinsala: ang hangin, tubig, lupa, yamang hayop, at ang mga naninirahang bayan na malapit dito. Napipinsala nito ang hangin sa walang tigil na pagtitibag ng mga bundok upang makuha ang mga mineral na kinakailangan. Ang mga kagamitang ginagamit sa pagmimina ay maaari ring maging isang lason na nakasasama sa mga hayop at tao kapag napunta sa yamang tubig. Napakalaking pinsala rin ang dinudulot ng pagmimina sa mga komunidad na malapit dito. Napakaraming IP (Indigenous People) ang puwersahang napaaalis sa kanilang mga tahanan dahil sa mga minahang pinipinsala ang kanilang mga lugar. Illegal logging. Habang kinakailangang kumuha ng mga likas na yaman sa kagubatan upang matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan, napakaraming illegal na pangungubat at pagpuputol ng mga puno. Lumiliit ang bilang ng mga puno dahil dito, kung kaya’t mas tumataas ang posibilidad ng mas mapinsalang kalamidad. Sa pagdadagdag, ang pinuputol na puno rin ay nagdudulot ng pagkawala ng mga tahanan ng mga hayop sa kagubatan na siyang dahilan ng pagliit ng diversity nito. Pagamit ng dinamita. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay isa sa mga pinakamalaking rason kung bakit napipinsala ang ating karagatan. Hindi lang pinapatay ng dinamita ang mga maliliit na isda na hindi pa mainam kainin, pinapatay rin ng dinamita ang bahay ng mga isda: ang corals. Trawl fishing. Sa pamamagitan ng trawl fishing, nakakaladlakad ang mga corals na siyang tinitirhan ng mga isda. Nadadala rin nito ang mga maliliit na isda, na hindi nabigyan ng pagkakataong lumaki upang paramihin ang kanilang bilang.What’s your Reaction?+1 1+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
Home » Articles » Literature |
Ano ang Sektor ng Agrikultura?
Ano ang Sektor ng Agrikultura?
Kahirapan ng mga magsasaka. Napakaliit lamang ng mga batas na pinoprotektahan ang karapatan ng mga magsasaka, kung kaya’t kadalasan sa kanila’y naabuso’t nahihingian ng matataas na singil mula sa may-ari ng lupa. Bukod pa rito, hindi binibili ng mga malalaking negosyante ang mga inaani kung nakatungtong ito sa presyong may kamahalan, kung kaya’t napipilitan ang mga magsasaka na paliitin ang presyo ng bilihin. Habang ang mga haciendero’t ang mga mamimili ay naliligo sa yaman sa pagpapamahal ng singil at ng mga nabiling tanim, naiiwan ang mga magsasaka sa kakarampot na kita. Polusyon at pinsalang dulot ng pagmimina. Buhat ng sobra-sobrang pagmimina ay napakaraming napipinsala: ang hangin, tubig, lupa, yamang hayop, at ang mga naninirahang bayan na malapit dito. Napipinsala nito ang hangin sa walang tigil na pagtitibag ng mga bundok upang makuha ang mga mineral na kinakailangan. Ang mga kagamitang ginagamit sa pagmimina ay maaari ring maging isang lason na nakasasama sa mga hayop at tao kapag napunta sa yamang tubig. Napakalaking pinsala rin ang dinudulot ng pagmimina sa mga komunidad na malapit dito. Napakaraming IP (Indigenous People) ang puwersahang napaaalis sa kanilang mga tahanan dahil sa mga minahang pinipinsala ang kanilang mga lugar. Illegal logging. Habang kinakailangang kumuha ng mga likas na yaman sa kagubatan upang matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan, napakaraming illegal na pangungubat at pagpuputol ng mga puno. Lumiliit ang bilang ng mga puno dahil dito, kung kaya’t mas tumataas ang posibilidad ng mas mapinsalang kalamidad. Sa pagdadagdag, ang pinuputol na puno rin ay nagdudulot ng pagkawala ng mga tahanan ng mga hayop sa kagubatan na siyang dahilan ng pagliit ng diversity nito. Pagamit ng dinamita. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay isa sa mga pinakamalaking rason kung bakit napipinsala ang ating karagatan. Hindi lang pinapatay ng dinamita ang mga maliliit na isda na hindi pa mainam kainin, pinapatay rin ng dinamita ang bahay ng mga isda: ang corals. Trawl fishing. Sa pamamagitan ng trawl fishing, nakakaladlakad ang mga corals na siyang tinitirhan ng mga isda. Nadadala rin nito ang mga maliliit na isda, na hindi nabigyan ng pagkakataong lumaki upang paramihin ang kanilang bilang.What’s your Reaction?+1 1+1 1+1 0+1 0+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/ Please support us in writing articles like this by sharing this postShare this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website. "Ano ang Sektor ng Agrikultura?" was written by Mary under the Literature category. It has been read 323 times and generated 1 comments. The article was created on 29 January 2023 and updated on 29 January 2023. |
|
Total comments : 1 | ||
|
||