Home » Articles » Legal Advice

Nararapat na notaryado ang deed of sale ng lupa

Nararapat na notaryado ang deed of sale ng lupa
"Dear Attorney,

May nakapagsabi po sa akin na wala raw bisa ang isang deed of sale kung hindi ito notaryado. Nag-aalala kasi ako dahil napansin ko na hindi pala namin naipa-notaryo ng binilhan ko ng lupa ang Deed of Sale na aming pinirmahan noong isang buwan. Kailangan po bang notaryado ang deed of sale?

Myla


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-Instream_Video'); });



Dear Myla,

Nakasaad sa Article 1358 ng ating Civil Code na kailangang nasa isang public na dokumento ang kasunduan ukol sa bentahan ng real property.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Upang maging public ang isang private document ay ipanonotaryo ito kaya dapat ay notaryado ang Deed of Sale na nabanggit mo na kaugnay sa binili mong lupa.

Ngunit sa kabila ng probisyong ito na nagsasaad na kaila­ngang notaryado ang mga kasulatang ukol sa bentahan ng lupa, tahimik naman ang batas sa epekto ng hindi pagpapanotaryo.

Ito ang naging isyu sa ilang kasong dinesisyunan na ng ating Korte Suprema. Malinaw raw na hindi pagsunod sa Article 1358 ng Civil Code ang hindi pagpapanotaryo ngunit ayon sa Korte Suprema, hindi naman makaaapekto ang kakulangang ito sa bisa ng kontrata. Valid pa rin ito at kailangang tuparin ng mga pumirma sa dokumento ang kanilang mga napagkasunduan. Ang requirement na kailangang notarized ang dokumento ay para lamang sa convenience  ng lahat at wala itong kinalaman o epekto sa bisa ng naging kasunduan [James Estreller, et al. v. Luis Miguel Ysmael, et al., G.R. No. 170264, March 13, 2009; Tigno v. Aquino, 486 Phil. 254, 268 (2004)]

Ngunit hindi man apektado ang bisa ng Deed of Sale ay kakailanganin mo pa rin na ipanotaryo ito dahil hindi mo rin naman maipaparehistro sa pangalan mo ang titulo ng lupa sa Registry of Deeds kung ang Deed of Sale ay hindi notaryado. Ito ay alinsunod sa Section 112 ng P.D. 1529 o Property Re­gistration Decree.

Kaya ang sagot ko sa katanungan mo: oo, kailangang notarized ang deed of sale. Pero hindi ito sa kadahilanang mawawalan ng bisa ang naging bentahan kapag hindi ito notar­yado kundi dahil kailangang notarized ang deed of sale para sa mga transaksyon pagkatapos ng bentahan partikular na kapag ipalilipat mo na sa pangalan mo ang lupa." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Nararapat na notaryado ang deed of sale ng lupa" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 851 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Pqynvf [Entry]

atorvastatin 80mg pill <a href="https://lipiws.top/">buy lipitor 40mg pills</a> buy lipitor 20mg online