Home » Articles » Legal Advice

Pagkakaiba ng contract of sale at contract to sell

Pagkakaiba ng contract of sale at contract to sell
"Dear Attorney,

Plano ko i-invest sa condominium unit ang naipon ko. Ano po ba ang ipinagkaiba ng contract of sale sa contract of sell na lagi kong nababasa pagdating sa bentahan ng real property? — Tom

Dear Tom,




Ipinaliwanag ng Korte Suprema ang pinagkaiba ng “contract of sale” mula sa “contract to sell” sa kaso ng Sps. Torrecampo v. Alindogan, Sr., et al., (G.R. No. 156405, February 28, 2007). Ayon sa nasabing kaso, inililipat sa isang contract of sale ang pagmamay-ari ng bagay na ibinenta pagkabigay sa bumili nito at pagkabayad ng napagkasunduan nilang presyo.

Sa isang contract to sell naman ay hindi naililipat ang pagmamay-ari ng bagay na ibinenta kahit pa naibigay na ito sa bumili. Kadalasan ay mapupunta lamang ang lubos na pagmamay-ari o full ownership ng bagay na ibinenta sa buyer kapag nabayaran na niya ng buo ang napagkasunduang presyo.




Kung huhulugan mo ang condominium unit na balak bilhin, malamang na contract to sell ang iyong pipirmahang kontrata kung saan nakasaad na hindi kaagad maililipat sa pangalan mo ang titulo ng condominium unit hangga’t hindi mo pa lubos na nababayaran ang presyo nito. Magkakaroon lamang ng obligasyon ang seller na ilipat sa iyong pangalan ang unit kapag tapos mo nang hulugan ito.

Kung buo mo namang babayaran ang condominium unit ay isang contract of sale o kaya’y deed of absolute sale ang iyong pipirmahan kung saan nakasaad ang condominium unit na nais mong bilhin, ang presyo nito, at ang paglilipat ng pagmamay-ari nito sa buyer pagkabayad sa seller ng nasabing presyo.

Anuman ang maging kontratang iyong pirmahan, payo ko lamang na basahin mong maigi ang mga nilalaman nito upang tiyak mo ang mga karapatan at obligasyon ukol sa condominium unit na nais bilhin." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Pagkakaiba ng contract of sale at contract to sell" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 1006 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Khvfpo [Entry]

lipitor 10mg uk <a href="https://lipiws.top/">buy lipitor pill</a> atorvastatin 40mg cheap