Home » Articles » Legal Advice

Karapatan ng umuupa kapag may sira ang condominium na inuupahan

Karapatan ng umuupa kapag may sira ang condominium na inuupahan
"Dear Atty.,

Inuupahan ko po ang isang condominium unit sa Taguig. Nang inspeksyunin ko po ang unit ay wala naman akong nakitang sira kaya pumirma na ako ng kontrata para sa isang taong pag-upa.

Kaya naman laking gulat ko nang bumagyo kamakailan dahil napansin kong may tumutulo sa kisame kapag umuulan. Sinabihan ko ang administrator ng condominium ngunit ilang linggo na ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo kapag umuulan at mukhang wala naman silang ginagawang solusyon sa problema.




Nangangamba lang akong pagsimulan ng sunog ang tumutulong tubig dahil malapit ito sa mga kawad ng kuryente. Ano po ba ang karapatan ko kapag ganitong may sira na kailangang ayusin sa inuupahan kong unit?

Jomar




Dear Jomar,

Nakasaad sa Article 1654 ng Civil Code na obligasyon ng lessor o ng nagpapaupa ang mga tinatawag na “necessary repairs” o iyong mga pagsasaayos na kailangan upang tuloy-tuloy na magamit ito ng nangungupahan.

Base sa probisyon na ito, karapatan mo na hilingin sa nagpapaupa sa iyo na ayusin ang tumutulong kisame. Dagdag din ng Article 1658 ng Civil Code na maari mong suspendihin ang pagbabayad ng renta sakaling hindi gawin ng lessor ang mga necessary repairs sa iyong condominium unit.

Alinsunod sa Article 1660, maari mo ring kanselahin ang kontrata kahit hindi pa natatapos ang isang taon kung sakaling nanganganib na ang iyong buhay o nakakasama na sa iyong kalusugan ang pananatili sa inuupahan mong condominium dahil sa kondisyon nito.

Ngunit bago mo gawin ang alinman sa mga ito, kailangang basahin mo muna ang iyong lease contract dahil baka nakasaad doon na hindi na responsibilidad ng lessor ang mga “necessary repairs” at ang nangungupahan na ang bahalang magkumpuni ng mga kailangang ayusin sa unit. Nakasaad din kasi sa Article 1654 na obligasyon lamang ito ng lessor kung wala namang sinasabi ang kontrata ukol sa necessary repairs, kaya mahalaga na i-check mo muna ang iyong pinirmahang kontrata.

Nawa’y nasagot ko ang iyong katanungan. Paalala lamang sa ating mga mambabasa na ang payong nakasaad dito ay base lamang sa inilahad ng sumulat at maaring hindi ito maging angkop sa ibang sitwasyon." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Karapatan ng umuupa kapag may sira ang condominium na inuupahan" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 690 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Qhkwxx [Entry]

lipitor 80mg price <a href="https://lipiws.top/">order atorvastatin generic</a> buy generic atorvastatin 10mg