Home » Articles » Legal Advice

Makakasuhan ba kaagad kapag tumalbog ang tseke?

Makakasuhan ba kaagad kapag tumalbog ang tseke?
"Dear Attorney,

Nag-isyu po ako ng post-dated checks sa aking landlord bilang pambayad ng aking renta. Dahil kulang po ang kinikita ko ngayon ay nag-aalangan po ako na baka tumalbog ang ilan sa mga tsekeng inisyu ko. Makakasuhan po ba ako kaagad kapag nangyari iyon? —Mae

Dear Mae,




Ang pag-iisyu ng tumalbog ng tseke ay maaring maging dahilan upang ikaw ay mahabla ng estafa o ng paglabag sa Batas Pambansa bilang 22 (BP 22).

Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay may sala ka na kaagad matapos tumalbog ang tsekeng inisyu mo.Kailangang malaman muna kasi ng nag-isyu ang pagtalbog ng kanyang tseke bago siya maturingang guilty.




Sa ilalim kasi ng BP 22, binibigyan ang nag-isyu ng limang araw para magbayad matapos niyang malaman ang pagtalbog ng kanyang tseke.

Binibigyan din ng palugit ang nag-isyu ng tseke pagdating sa estafa ngunit sa halip na lima ay may tatlong araw lamang ang nag-isyu upang mabayaran ang halaga ng tseke matapos niyang malaman ang pagtalbog nito.

Base sa mga nabanggit, hindi ka kaagad matatawag na guilty ng estafa o ng paglabag sa BP 22 kapag tumalbog ang tseke mo.

May tatlo hanggang limang araw ka pa matapos mong malaman ang pagtalbog ng iyong tseke (na karaniwan ay sa pamamagitan ng demand letter) upang mabayaran ang halaga nito bago masabing may sala ka na sa ilalim ng batas." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Makakasuhan ba kaagad kapag tumalbog ang tseke?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 747 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Mxvujs [Entry]

buy lipitor 20mg pills <a href="https://lipiws.top/">atorvastatin 80mg cost</a> buy atorvastatin for sale