Home » Articles » Legal Advice

Ano ang epekto ng kunwaring bentahan ng lupa?

Ano ang epekto ng kunwaring bentahan ng lupa?
"Dear Atty.,

Upang maaprubahan ang loan ng kanyang kapatid sa banko ay gumawa po ng Deed of Absolute Sale ang aking ama kung saan nakasaad na ibinebenta na niya at inililipat na sa pangalan ng kanyang kapatid ang isa sa kanyang mga lupang pag-aari. Ito’y kahit wala naman po talagang nangyaring bentahan at para lamang po ito may maipakitang ari-arian sa banko ang kanyang kapatid para sa kanyang loan application.

Bagama’t sinabihan naman kaming magkakapatid ng aming ama na kunwaring bentahan lang ang naganap ay nag-aalala pa rin ako na baka tuluyan na itong mapasakamay ng kanyang kapatid. Sa aking ama pa rin po ba ang lupa kahit na may pinirmahan siyang deed of sale? — Ana




Dear Ana,

Kung totoong wala naman talagang bentahang naganap ay isa lamang simulated contract ang pinasukan ng iyong ama at ng kanyang kapatid. May dalawang klase ng simulated contract sa ilalim ng batas: ang una ay ang tinatawag na absolute simulated contract kung saan wala naman talagang kahit anong intensiyon ang mga partido nito na pasukin at sundin ang kontrata. Maari rin itong maging isang relative simulated contract kung saan ang totoong kasunduan ng mga partido ay nakatago sa likod ng kontratang kanilang pinirmahan.




Sa ilalim ng Article 1346 ng ating  Civil Code, walang bisa ang mga absolute simulated contracts.

Malinaw na isang absolute simulated contract o lubos na kunwarian lamang ang pagbebentang ginawa ng iyong ama dahil unang-una, hindi naman siya humingi at nakatanggap ng bayad mula sa iyong kapatid na nagpapakita na wala talaga siyang intensyon na ibenta ito. Walang bisa ang isang sale o bentahan kung wala namang konsiderasyon o bayad sa nasabing bentahan.

Dahil isang absolute simulated contract ang naganap sa pagitan ng iyong ama at ng kanyang kapatid, wala itong bisa at hindi nito nailipat ang pagmamay-ari sa lupa mula sa iyong ama papunta sa kanyang kapatid.

Ngunit kailangan kong bigyang-diin na bagama’t simulado lang ang naging bentahan, kailangan pa rin kayong maging mapagmatyag at bantayan ang registered title ng lupa dahil maari pa ring magamit ang Deed of Absolute Sale na pinirmahan ng inyong ama sa pagpaparehistro ng  titulo nito sa pangalan ng iba. Sakaling mangyari iyon ay kakailanganin n’yo pang magsampa ng kaso upang ipakansela ang titulo at maibalik ito sa pangalan ng inyong ama." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ano ang epekto ng kunwaring bentahan ng lupa?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 753 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Bkdjoa [Entry]

order atorvastatin 10mg generic <a href="https://lipiws.top/">order atorvastatin 40mg online cheap</a> order lipitor for sale