Home » Articles » Health

Sanaysay Tungkol sa Bawal na Gamot o Droga (Article 1)

Narito ang isang artikulo o sanaysay (essay) tungkol sa bawal gamot na sinulat ko noong akoy nasa ikaanim na baitang pa (Grade 6). Maaari niyong kopyahin ito pero kailangan bigyan niyo ng kredito o atribusyon ang pinagkukunan niyo ng sanaysay sa pamamagitan ng pag-copy sa URL or link ng sanaysay na ito.

Ang Katotohanan sa Bawal na Gamot

ni Khen Salce
 
Gamot. Sa siyensa, ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito'y medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay makapagbibigay sakit kapag inaabuso.
 
May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klasing droga. Iba't iba sa kanila ay may iba-ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man ng iba na ito'y nakakasama sa kalusugan lalo sa katawan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng paggamit ng ipinagbabawal ng gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.
 
Kinakailangan ang masusing pagsusubaybay ng mga magulang sa mga anak para madaling malaman at mapigilan kung sila ba'y gumagamit ng bawal na gamot. Sa pamilya kadalasan nagsisimula ang pagkalulong ng mga kabataan sa bawal na gamot. Lalo na ang mga mahihirap na mga pamilya na madalas ay nag-aaway ang mga magulang dahil sa kakulangan ng pera para panggastos sa pamilya. Kaya ang mga kabataan ay nahuhumaling na pumasok sa iba't ibang bisyo lalo na sa paggamit ng bawal na gamot dahil iniisip nila na mawawala daw ang problema kapag gumamit sila nitong bawal na gamot o droga.
 
Ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nalulong sa bawal na gamot ay ang kapabayaan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maaaring trabaho o negosyo lang ang palaging inaasikaso ng mga magulang at nawawalan na ng oras para sa kanilang mga anak.
 
Kung pababayaan lang ng mga magulang ang kanilang mga anak na malulong sa ipinagbabawal na gamot, maaaring ang mga anak nila ay magdudulot ng malaking puwerhisyo sa kanilang buhay. Ang mga gumagamit ng bawal na gamot ay maaaring matutong magnakaw, magsinungaling, agresibo o walang takot sa paggawa ng masama hanggang sa mawalan ito ng katinuan o mababaliw sa paggamit ng bawal na gamot.
 
Sa mga tungkulin, mga magulang gisingggg! Anak sa katotohanan...hoy gisingggg!!!!
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sanaysay Tungkol sa Bawal na Gamot o Droga (Article 1)" was written by Mary under the Health category. It has been read 249264 times and generated 7 comments. The article was created on and updated on 02 February 2021.
Total comments : 7
Kgqopq [Entry]

lipitor 20mg cheap <a href="https://lipiws.top/">cheap atorvastatin 80mg</a> purchase atorvastatin pill
Noe [Entry]

kuya pwede pobang makahingi ng maikling talambuhay tungkol sa inyo gagamtin po kasi namin ung sanaysay niyo po para sa pagsusuring gagawin po namin...
Abdulaziz Gadia [Entry]

Ano ba talaga ang ibigsabihin ng druga ?
Abdulaziz [Entry]

Ano ba talaga ang ibigsabihin ng druga ?
Baymax [Entry]

Meron bang lunas sa droga?
Isaiah Christina Zain B. Cortez [Entry]

ang hinihingi ko po na sanaysay yong mga namamatay na mga drug adik
hgv [Entry]

bakit