Narito ang sanaysay tungkol sa droga o ipinagbabawal na gamot.
Sanaysay Tungkol sa Droga (Article 3)
Droga
Marami ang nagsasabi na ito ay gamot na nakapagpapagaling ng ilang karamdaman. Pero sa dami rin ng mga sinasabi tungkol sa mali at masamang epekto nito sa pag-iisip, natatakot ang ilan na subukang tikman ito. Kung iisipin, totoo namang gamot na pampalakas ang droga. Pero nais pa ba nating subukang gamitin ito kahit na may tendensya tayong maadik dito? Hindi kaya ay humantong lang ito sa sobrang paggamit anupat makasakit na tayo ng iba?
Ang mga taong naadik sa paggamit nito ay lumilikha ng gulo sa lipunan. Madalas na sila na lamang ang laman ng mga balita tungkol sa matindi at brutal na pananakit/ pagpatay sa mga babae, batang babae, lalaki, batang lalaki at pamilya pa nga. Nagiging makasarili dahil sa kanilang kagustuhan na masapatan ang kanilang adiksyon, nagagawa nilang magbenta ng mga bagay-bagay ng hindi pinag-iisipan ito. Isa pa, nagagawa din nilang magnakaw, manggahasa at pumatay.
Nakalulungkot, sa kabila ng pagsugpo ng batas sa mga taong gumagamit ng droga patuloy parin silang dumadami. At karaniwang nabibiktima sa paggamit ng pinagbabawal na gamot na ito ay ang ating mga mahal na kabataan. Kaya ang sanaysay na ito, ay makatulong sana sa mga tao na maintindihan ang masamang epekto nito. Huwag hayaang sirain ng droga ang buhay mo!
--- WAKAS ---
Narito ang ibang halimbawa ng mga slogan tungkol sa droga o ipinagbabawal na gamot: - https://www.affordablecebu.com/