Nilalayon ng kumperensiya na mapagtuunang pansin ang pagkamanunulat ni Andres Bonifacio at sisikaping masagot sa tatlong araw na lektiyur at inter-aksyon ng mga kalahok ang tanong na ito: Bakit at paano dapat lingunin at pahalagahan ang mga akda ni Andres Bonifacio? Mga espesipikong tanong na sisikaping tugunan ng mga imbitadong tagapagsalita at mga kalahok ay ang mga ito:
- Ano ang mga katwiran at katangiang pansining ng mga rebolusyonaryong akda ni Andres Bonifacio?;
- Ano ang mga teoretiko at praktikal na saligan na mapagbabatayan ng higit na pagpapahalaga sa kaniyang mga teksto at konteksto; at
- Paano nakaimpluwensiya si Bonifacio sa pagkalinang ng poetika ng protesta sa kasaysayan ng Panitikang Filipino?
Ang tagapangulo at miyembro ng kaguruan ng Kagawaran ng Filipino sa bawat paaralan ang inaanyayahang dumalo sa kumperensiyang ito. Maaari ding dumalo ang mga iskolar, estudyante ng Panitikan, araling Filipino, Kasaysayan, Araling Panlipunan (AP) at mga kaugnay na disiplina sa lahat ng antas ng pag-aaral na mula sa pampubliko at pribadong paaralan.
Sa iba pang katanungan, ang mga interesado ay maaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Dr. Michael M. Coroza
Direktor ng Kumperensiya
Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) c/o Institute of Creative Writing
2/F Bulwagang Rizal, University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City
Mobile Phone Blg.: 0947-721-9249
Email Address: mcoroza@ateneo.edu
Bb. Eva Garcia Cadiz
Sekretaryat
UMPIL/ Writers Union of the PhilippinesMobile Phone Blg..: 0917-561-5024
Email Address: gondour03@yahoo.com