Ang layunin ng Kongreso ay ang mga sumusunod:
- mailahad ang kasalukuyang sitwasyong pangwika sa bansa;
- matalakay ang kalagayang pangwika sa edukasyon ng lipunang Filipino sa buong bansa;
- matalakay ang kalagayang pangwika sa edukasyon ng lipunang Filipino sa buong bansa; at
- matukoy at matugunan ng kaukulang solusyon ang mga suliraning pangwika sa iba’t ibang larangan ng lipunang Filipino sa buong bansa.
Inaasahang dadalo sa kapulungang ito ang mga kinatawan ng kawanihan sa tanggapang sentral ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of Interior and Local Government (DILG), at Civil Service Commission (CSC), mga panrehiyon at pansangay na tagamasid sa Filipino, punongguro, mga puno ng Kagawaran ng Filipino o sinumang hihiranging kinatawan sa elementarya, sekundarya, kolehiyo, at unibersidad na pang-estado, mga miyembro ng iba’t ibang kapisanang pangwika at pang-edukasyon, mga gurong nagtuturo ng Filipino at mga asignatura ang wikang panturo ay Filipino, mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pribado, at sinumang may interes sa usaping pangwika, mga iskolar at dalubwika.
Gayundin, ang palahok sa nabanggit na kongreso ay bukas sa lahat ng gustong dumalo batid ang kanilang gastusin ay personal, sa pasubaling ang partisipasyon ng mga guro na mula sa pampubliko at pampribadong paaralan ay naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Merasures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.
Para sa rehistrasyon, detalye at iba pang impormasyon, mangyaring tumawag o makipag-ugnayan sa sumusunod:
G. Jomar I. Empaynado
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Telepono Blg.: (02) 736-2519
Email Address: jomarisipempaynado@yahoo .com
Dr. Sheilee Boras-Vega
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
Telepono Blg.: (02) 736-2524/25 lokal 101
Mobile Phone Blg.: 0922-786-0776
Email Address: shee_bvega@yahoo.com