Home » Articles » Health

Gamot sa Sore Eyes ayon kay Dr. Salomon

Gusto ko pong i-share sa inyo itong karanasan ko nung nagkaroon ako ng sore eyes (viral conjunctivitis).

Nais ko po mo munang ilahad sa inyo ang simula ng pagkakaroon ko ng sore eyes at kung anong aksyon ang ginawa ko para magamot itong medyo makati at namumulang mata ko.
Sa simula nung naramdaman ko yung kunting pangangati at pamumula ng kaliwang mata ko, hindi ko talaga alam na sore eyes pala ito.

Sa isip ko, baka dulot ito nung napuwing ako. At hindi ko na maalala kung saan ako napuwing dahil sa sobrang busy.

Kaya hinayaan ko na lang siya.

Unang Gamot

Mag-tatlong araw na, mapula at medyo makati pa rin mata ko. Naisipan kong bumili ng Eye-mo kasi eto yung lagi nating napapanood sa TV. Ang binili ko Eye-mo Red Eyes.

Pinatulo ko sa mata ko 2 drops and twice a day. Oo, nawawala yung pamumula ng mata ko pero after 3 to 5 hours, bumabalik pa rin yung pamumula. Ginamit ko yung Eye-mo for 3 days pero tinigilan ko dahil andyan pa rin yung pamumula ng mata ko.

Hanggang sa mag-iisang linggo na (1 week), pumunta ako at ang asawa ko sa doktor para malaman namin kung ano talaga itong nasa mata ko.

Konsulta sa Doktor

Pumunta kami kay Doktor Karen Conol Salomon, isang opthalmologist o doktor sa mata sa City namin. Tinanong niya ano nangyari sa mata.

Sinuri niya ito gamit yung Eye Examination Device niya. Sabi niya na SORE EYES daw ito. Tapos, pinabasa pa ako ng mga letra at mga numero ilang talampakan ang layo. Nabasa ko naman lahat. Malinaw mga mata ko.

Gamot sa Sore Eyes ayon kay Doctor Karen Conol-Salomon

Resetang Gamot ni Doktor Karen Salomon

Pagkatapos niyang ma-examine yung mata ko at naconfirm niya na SORE EYES itong pamumula ng mata ko, binigyan niya ako ng reseta na gamot para sa SORE EYES ko. Eto po yung reseta niya:

Gamot sa Sore Eyes - Reseta ni Doctor Karen Salomon
Reseta na Gamot ni Doctor Karen Salomon

Malabo talaga magsulat ang Doctor. Pero ito po yung sinulat niya:

Tobramycin Dexamethasone
(Zytodex)

1 drop 4 times a day

Yan yung pangalan ng gamot sa sore eyes at dosage na sinulat ni Dok. Nabili ko ito sa isang local drugstore sa presyong ₱290. Kinunan ko ng pictures itong gamot na ito:

Pictures of Tobramycin Dexamethasone (Zytodex)

Tobramycin Dexamethasone (Zytodex) - Gamot sa Sore Eyes

Tobramycin Dexamethasone (Zytodex) - Gamot sa Sore Eyes
 

Efficacy (Bisa) ng Tobramycin Dexamethasone (Zytodex) Bilang Gamot ng Sore Eyes

Ilang oras matapos ang konsulta o check-up sa doktor, pinatuluan ang mata ko ng gamot na ito. Isang drop lang. Mga tatlong oras nakalipas, medyo nawala yung pamumula ng mata ko. Natuwa ako dahil sobrang epektibo ng gamot na ito.

Nung pangalawang araw na pagpapatulo ko ng mata, kunti na lang ang pamumula ng mata ko. Nariyan pa rin yung kunting pangangati ng mata.

Pangatlong araw ng pagpapatulo sa mata ko, nawala na yung pamumula. Andiyan pa rin yung kunting pangangati sa mata.

Ikaapat na araw, twice a day ko na lang siya pinapatulo dahil wala na ang pamumula.

Hanggang sa ikalimang araw, once a day na lang. Hininto ko na nung ikaanim na araw dahil wala ng pamumula at pangangati sa mata.

Sobrang pasasalamat ko sa Diyos dahil nawala na yung sore eyes ko. Kay Dok Karen Conol-Salomon, salamat din po sa inyo nang marami. Kasangkapan po kayo ng Panginoong Diyos para mapagaling yung mga maysakit. Ipagpatuloy niyo yung mabuting gawain niyo.

Kung meron kayong mga tanong o suhestiyon, pwede niyo po ipost sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Gamot sa Sore Eyes ayon kay Dr. Salomon" was written by Mary under the Health category. It has been read 6298 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 04 July 2018.
Total comments : 1
Jennelyn Gallawan [Entry]

Hello good afternoon.
Please can I have a contact number / Address of Doctora Karen Conol Salomon in Oroquieta City?.
I have the same eye problem and I'm 6 months pregnant..