Home » Articles » Health

Gamot sa Buni (Ringworm) ayon kay Dr. Famas

Gusto ko lang po i-share yung karanasan ng asawa ko. Nagkaroon siya ng buni (o fungal infection caused by ringworm) sa likod niya.

Mamaya sa ibaba sasabihin ko sa inyo kung anong gamot ang nireseta sa kanya ng doktor.

Ganito yung itsura ng buni niya. Totoong picture 'to na kinuha ko sa likod niya:
BuniBuni photo

Nung simula, hindi pa namin alam kung ano itong bilog na pula na bigla na lang lumabas sa gitnang bahagi ng likod niya.

Akala ko kagat lang ng langgam o insekto ang bilog na pula na ito. Kaya hinayaan na lang namin.

Pero nung tumagal, magdadalawang linggo na, hindi pa nawala. Lalo pang lumaki.

Nag-alala na masyado ang aking asawa. Nag-research siya sa internet. May nakita siya na senyales (symptoms) daw ito ng isang uri ng cancer sa balat.

Para maibsan yung pag-alala namin, pumunta na lang kami sa doktor at magpakonsulta kung ano ito.

Pumunta kami kay Dr. Henry Famas, isang kilalang doktor sa aming lugar. Nang magpakonsulta kami, tiningnan niya yung bilog na pulang ito.

Ang sabi niya, "Fungal infection man ni. Ringworm (Fungal infection ito. Ringworm)."

Ni-research ko sa internet kung anong klaseng fungus ito. Tinatawag pala ang fungus na ito na "Microsporum canis". Mababasa ito sa Wikipedia:
 
"Microsporum canis is a pathogenic, asexual fungus in the phylum Ascomycota that infects the upper, dead layers of skin on domesticated cats, and occasionally dogs and humans"

Ganito ang itsura ng mga Microsporum canis fungus:

Microsporum Canis Fungus - sanhi ng Buni o Ringworm fungal infection

Pagkarinig ko sinabing ito ni Dok na ringworm o fungal infection lang pala, nawala yung sobrang pag-alala ko. Akala ko kanser pero fungal infection lang pala ito.

Salamat sa Diyos! Sabi ni Dok, may treatment naman daw ito. Madali lang itong gamutin.

Hindi ko alam sa simula na yung ringworm o fungal infection na ito ay buni pala sa tagalog o bisaya. Ito pala yung tinatawag nilang buni. Ngayon ko lang nalaman.

Mabisang Gamot sa Buni (Ringworm)

Gamot ng Buni (ringworm fungal infection)

Dalawa klase ng gamot ang ni-recommend ni Dok Famas na mabisang gamot para sa ringworm o fungal infection:
  • Ketoconazole cream
  • Quadrotopic cream
Pinapili lang kami ng isa. Dalawa ni-recommend niya baka kasi hindi available yung isang gamot. Heto yung reseta ni Dok:

Reseta ng Doktor - Gamot sa Buni
Reseta ng Gamot sa Buni photo

Pinili ko yung Quadrotopic Cream. Nakabili ako nito sa Mercury Drug. Pero pwede niyong subukan iyong ibang drugstores baka meron rin sila nito.

Quadrotopic Cream Box - Gamot sa Buni (Ringworm)

Quadrotopic Cream - Gamot sa Buni (Ringworm)
 
 
 

Branded ito na gamot. Kaya may kamahalan. Nabili ko siya ng ₱300+.

Yung isang gamot na Ketoconazole cream, baka ito yung gusto niyong bilhin. Tinanong ko yung pharmacist ng Mercury Drug. ₱500+ yung presyo niya.

Kay mas pinili ko yung Quadrotopic Cream na mas mura at branded pa.

Dosage ng Pagpapahid ng Quadrotopic Cream

Ayon kay Dok, two (2) times a day ipahid yung cream sa infected area (buni). Sinulat niya yung 2x a day sa reseta niya sa itaas.

Pero, ang ginawa namin ng asawa ko, pinahid ko nang three (3) times a day yung cream para siguradong patay yung mga fungus na kumakalat sa infected area. Isa pang dahilan ay yung damit niya dumidikit sa ipinahid na cream kaya unti-unting nawawala yung cream habang dumidikit yung damit niya.

Mabisa ba ang Quadrotopic Cream bilang gamot sa Buni (ringworm - fungal infection)?

Effective (mabisa) siya na gamot sa buni. Dahil After 7 days ng treatment o pagpapahid ng cream sa infected area, nawala na yung pula- pula. Nagiging peklat na lang yung infected area. Ibig sabihin, namatay yung fungus na sanhi ng buni na nagdudulot ng pamumula sa balat.

Makikita niyo po sa picture sa ibaba na nawala yung pamumula at peklat na lang ang makikita sa balat. Kinunan ko ito ng picture after 7 days:

Before and After Quadrotopic Cream Treatment of Buni

Sana nakatulong ito sa mga may buni o ringworm. At maraming salamat po kay Dok Famas!

Maaari niyo i-share sa amin sa comment sa ibaba kung ano ang naging karanasan niyo sa paggamit ng iba't ibang gamot ng buni.
- https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Gamot sa Buni (Ringworm) ayon kay Dr. Famas" was written by Mary under the Health category. It has been read 38672 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 14 July 2018.
Total comments : 0