Inilalarawan ang Pilipinas na isang "Perlas ng Silanganan".
Bakit kaya?
Sagot
Tinatawag na Perlas ng Silanganan ang Pilipinas dahil ang Pilipinas ay isang napakaganda, bihira o espesyal na bansa.Dahil sa dami ng mga magagandang tanawin, magagandang isla, mga kakaibang klase ng mga bundok, at mga magagandang katangian na pang-heograpiya ng Pilipinas, kaya tinagurian itong Perlas.
Isa rin sa mabigat na dahilan ay napakayaman ng likas na yaman o "natural resources" ang bansang Pilipinas at ang magandang klima natin na tropical kung saan napakaraming klaseng mga hayop, mga pananim, mga halaman o puno ang nabubuhay sa bansa natin.
Sobrang espesyal ang bansa natin. Kaya ito tinagurian ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa kanyang huling tula na "Mi Ultimo adios" na ang Pilipinas ay isang "Perla de Oriente" (Pearl of the Orient).
Meron ka pa bang ibang dahilan kung bakit tinatawag na Perlas ng Silanganan ang Pilipinas? Sabihin niyo lang sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/