Home » Articles » Literature

Alamat ng Perlas sa Mindanao

Alamat ng Perlas sa Mindanao
"Basahin ang halimbawa ng maikling kwento na ‘Alamat ng Perlas sa Mindanao‘ sa ibaba. Basahin din ang mga aral ng alamat na ito sa ibaba.Talaan ng NilalamanAlamat ng Perlas sa MindanaoBuod ng AlamatAral ng Alamat ng Perlas sa MindanaoAlamat ng Perlas sa MindanaoIsang binatang mangingisda ang nagkaroon ng kasintahang dalagang Muslim sa isang pook sa Mindanao noong unang panahon. Ang magkasintaha’y nagsumpaang pakakasal pagsapit nila sa ika-dalawampu’t isang taon. Limang taon pa silang maghihintay.Tuwing sila’y mag-uusap, ipinaaalala ng isa’t isa na huwag makalimot sa sumpaan. Laging nangangako ang binata na ang dalaga lamang ang tanging pakaiibigin.“Pinakamamahal kita Leoniza,” ang magiliw na sabi ng binata. “Ikaw lamang ang babaing iibigin ko habang buhay. Gugustuhin ko pa ang kamatayan kung hindi rin lamang ikaw ang aking magiging kapalaran.”

“Salamat, mahal ko,” natutuwang tugon ni Leoniza. “Napaka-dakila ng iyong pag-ibig. Sana’y palarin ka sa iyong paghahanap-buhay upang makapag-impok tayo para sa ating pag-iisang-dibdib. Huwag ka sanang magpapabaya sa iyong kalusugan. Mag-ingat ka sa iyong paglalayag,” dugtong pa.“Maraming salamat, mahal ko, sa iyong mga paalaala,” tugon ng binata, sabay paalam.Laging nagsusunuran at waiang pagkukulang ang magkasintahan sa isa’t-isa. Kapuwa sila tapat sa sumpa. Walang madilim na panginorin sa kanilang pag-ibig. Laging bukang-liwayway. Walang pagmamaliw ang kanilang pagtitinginan. Subali’t mapagbiro ang tadhana. Biglang nawala ang binata at hindi na napakita sa kanyang kasintahan.Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi’y nasa daungan upang magba-sakaling magkita sila ng kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay nananatili siyang nag-aabang sa daungan, hanggang sa iluwal sa maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala.Naging tulala ang dalaga. Sa tuwina’y nakatayong walang kibo na animo’y isang rebulto. Walang katinag-tinag na napako ang paningin sa laot ng dagat. Minsa’y maluha, minsa’y humahalakhak. Dumating ang saglit na hindi sukat asahan. Siya’y naging isang taong-bato.Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas ang taong-bato. Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay dinumog ng mga tao upang sila’y manlimot ng perlas.

Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas. Kasama niya ang anak na pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina’t nagmakaawa, “Bigyan mo kami ng iyong perlas.” Nang ang ina ay bumitaw sa pagkakayakap sa rebulto ay hindi niya makita ang kanyang anak. Hanap dini, hanap doon. Inabot ng dilim ang ina sa paghahanap subali’t nawalan ng saysay.Nang magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan, saka pa niya naalaala ang kanyang ina. Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang kinaroroonan ng taong-bato. Hindi niya naratnan doon ang kanyang ina.“Inay, inay, narito ako…! Saan ka naroon?” ang sigaw ng bata, tuloy yakap sa paanan ng rebulto.Naantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang yumaong anak. Ang kanyang mga mata’y dinaluyan ng masaganang luha.Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang nagkalat ang mga perlas sa paligid ng rebulto. Siya’y nanlimot ng perlas. Kinamaya-maya’y dumating ang nawalay na anak.“Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang ngayon ikaw ay aking hihintay!”

“Akopo’y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa rebulto, ngunit kayo’y wala na roon!”“Bakit hindi ka umuwi sa atin?”“Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog. Ako’y kanyang ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!”
“Tulungan mo akong manlimot ng perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo.”Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng talpukan ng alon. Ang rebulto ay tinangay ng alon. Ito’y napalaot sa pusod ng dagat hanggang sa nawala.
Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming perlas sa dagat ng Mindanao.Buod ng Alamat ng Perlas sa MindanaoSi Leoniza at ang kanyang mangingisdang kasintahan ay tunay na nag-iibigan. Isinumpa nila ang kanilang pagpapakasal sa pagtungtong nila ng edad na dalawampu’t isa. Tapat sila sa isa’t isa at hindi kailanman nag-aaway, kung kaya’t mas lumalim lamang ang pagmamahal at pananabik sa isa’t isa. Walang humpay ang pagsasabi ng “mahal kita” ng mangingisda at walang humpay ang pagsasabi ni Leoniza ng “ingat sa iyong trabaho”. Nagpatuloy ang kanilang buhay hanggang sa hindi na nakita pang muli ang kasintahan. Nawala ang lahat ng gana ni Leoniza. Palagi itong nakatingin sa dagat habang walang tigil na lumuluha. Minsan ay tumatawa, minsan ay nakatingin lang. Dahil dito’y nangyari ang hindi inaasahan: naging taong-bato si Leoniza. Minsay may mag-ina na nadapit sa taong-bato. Napaiyak nito si Leoniza at ang mga luha nito’y naging isang perlas. Naanod ng alon ang taong-bato kung kaya’t ang kanyang mga perlas na lupa ay nakalat sa buong Mindanao. Aral ng Alamat ng Perlas sa MindanaoAng tunay na pagmamahal ay walang hinihiling na kapalit at nakapagpapaiba ng isang tao. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay walang katapusan at hindi kailanman humihingi ng kapalit.
Basahin ang iba pang mga alamat dito.What’s your Reaction?+1 5+1 8+1 3+1 2+1 1+1 4+1 2 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Alamat ng Perlas sa Mindanao" was written by Mary under the Literature category. It has been read 404 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 January 2023.
Total comments : 1
Velqdw [Entry]

buy atorvastatin for sale <a href="https://lipiws.top/">order lipitor 80mg</a> atorvastatin 40mg over the counter