Daigdig kung saan nakakalanghap tayo ng preskong hangin, nakakainom ng tubig, nakakain ng mga prutas, gulay o mga pagkaing halaman.
Lahat ng yan produkto ng daigdig na sumusuporta sa ating buhay.
Wala na tayong iba pang alam na ibang mundo na pwedeng mabuhay ang tao.
Kaya marapat lamang na alagaan ang ating nag-iisang daigdig upang manatili ang ating buhay bilang tao at aabot pa ng maraming henerasyon ang sangkatauhan.
Bilang pagbubunyi sa kahalagahan ng ating daigdig, narito ang mga slogan na naghihimok na pangalagaan ang daigdig.
Mga Slogan Tungkol sa Pangangalaga sa Daigdig
- Daigdig Alagaan, Magandang Kinabukasan Mapangalagaan.
- Daigdig Alagaan, Para sa Kinabukasan ng Kabataan.
- Iisang Buhay, Iisang Daigdig, Alagaan at Huwag Pagsamantalahan!
- Kalikasa'y ibigin, Daigdig Mahalin.
- Buhay ng Daigdig Konektado, sa Buhay ng Tao.
- Mahalin ang Inang Kalikasan, Nang Daigdig Mapangalagaan.
- Produkto ng Inang Kalikasan Wag Pagsamantalahan, Nang Daigdig Mapangalagaan.
- Daigdig ang bumubuo ng buhay at ugali ng tao, Kaya ito'y mahalin at wag abusuhin!
- Puno't halaman ingatan, nang daigdig mapangalagaan.
- Kabukiran, kagubatan at karagatan alagaan, Wag pagsamantalahan!
- Inang kalikasan pagyamanin, Upang daigdig at sangkatauhan ay magiging masayahin.
- Matutong mahalin ang buhay ng daigdig natin!
- "Dito ilalagay ang iyong slogan - dito naman ilalagay ang iyong pangalan".
Meron ka bang ibang slogan tungkol sa pangangalaga sa daigdig? I-post mo sa comment sa ibaba. At ilalagay namin ang iyong slogan sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/