Home » Articles » Schools / Universities

Mga Slogan: Pagiging Responsable sa Pag-aaral

Pag-aaral ang isa sa pinakamahalagang puhunan ng isang lipunan o bayan para umunlad ito. Kung walang pag-aaral, walang kaunlaran na magaganap sa kabihasnan o sa tao mismo.

Kaya napakahalaga na maging responsable tayo sa pag-aaral natin sa paaralan dahil ito ang simula ng ating pag-unawa ng iba't ibang aspeto ng buhay ng tao upang maging maunlad, matiwasay at maligaya ang ating buhay.

Narito ang isang malaking koleksyon ng mga slogan tungkol sa pagiging responsable sa pag-aaral.

Slogan tungkol sa pagiging responsable sa pag-aaral


Mga Slogan Tungkol sa Pagiging Responsable sa Pag-aaral


1. Pag-aaral pahalagahan, nang kinabukasan mo'y may kasiguruhan.

2. Pag-aaral pahalagahan, nang problema'y madaling masolusyunan.

3. Pag-aaral pahalagahan, maging loob at labas ng silid-aralan.

4. Karamihan sa mga taong may mataas na kinalalagyan sa lipunan, ang pag-aaral nilay pinapahalagahan.

5. Mahirap ang buhay sa taong mangmang at walang alam.

6. Isipin mo sarili mo, kung ika'y walang alam sa mundo.

7. Iba't iba ang angking kakayahan at kaalaman natin, kung ano man ito, ito'y pahalagahan at linangin upang buhay ay lalong gumaan at umasenso.

8. Sikreto ng tagumpay, ang walang katapusang pag-aaral sa buhay.

9. Ang karunungan ng tao ay papalago, kaya lalong palaguin rin ang pag-aaral mo.

10. Sa buhay mahihirapan, kapag ang pag-aaral ay hindi pinapahalagahan.

11. Ang pag-aaral ay hindi lamang nagtatapos sa eskwelahan, maging pala-aral hanggang sa katandaan.

12. Ang dunong ng tao at mundo ay lumalago at naging kumplikado, maging pala-aral ka upang buhay mo'y umasenso.

13. Karamihan sa mga taong mauunlad at mayayaman, pag-aaral ay pinapahalagahan.

14. Sa dami ng aspeto ng buhay ng tao, pag-aaral ang daan upang maintindihan at lumago ito.

15. Pag-aaral pahalagahan, nang kinabukasan mo'y may kaunlaran.

16. Sa pag-aaral maging responsable, nang buhay ay mapabuti.

17. Kung gaano kalawak ang iyong pag-aaral, gayundin kalawak ang iyong pang-unawa.

18. Sa pag-aaral maging responsable, upang unawa, dangal at buhay ay mapabuti.

19. Dito ilalagay ang iyong sariling slogan tungkol sa pagiging responsable sa pag-aaral. - ang iyong pangalan dito...

20. ....

Alam kong meron kayong mga sariling slogan na nakatago sa utak ninyo. Ilabas niyo yan. Isulat ang inyong mga sariling slogan sa comment sa ibaba.

Isusulat namin ang inyong mga sariling slogan sa listahan sa itaas kasama ang inyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga Slogan: Pagiging Responsable sa Pag-aaral" was written by Mary under the Schools / Universities category. It has been read 29384 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 08 October 2020.
Total comments : 0