(20th National Conference of History Students)
Ang Unibersidad ng Pilipinas Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) ay magtataguyod ng Ika-dalawampung Pambansang Kumperensiya ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan na pinamagatang "Mula Bagani Hanggang Bagong Bayani: Ang Pagpapatuloy at Pagbabago ng Dalumat at Hulagway na Bayani at Pagkabayani sa Daloy ng Panahon" sa Agosto 21-23, 2011 sa UP NISMED Auditorium, Diliman, Lungsod ng Quezon.
- siyasatin ang dalumat ng bayani at pagkabayani lalo pa at sa taong ding ito ginugunita ang ika-150 taong pagkasilang ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal;
- makatulong sa mga mag-aaral na siyasatin ang makasaysayan na kahulugan at pakahulugan ng bayani;
- makapagbukas ng talastasan para sa mga makabuluhang pagsusuri sa paksang ito gamit ang mga pananaw at lapit pangkasaysayan; at
- matanto ng mga magsisipagdalo ang saysay ng disiplina sa pagbibigay-linaw, pagpapalawak at pagpapalalim ng bayani at kabayanihang Pilipino hanggang sa kasalukuyan.
Ito ay inaasahang dadaluhan ng mga mag-aaral sa sekundarya at mga guro ng Araling Panlipunan.
Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan kay G. James Russel B. de Vera, Bise Presidente ng External Affairs sa mobile phone big.: 0915-700-3409 o magpadala ng mensahe sa e-mail address: uplikas@gmail.com. - https://www.affordablecebu.com/