Layunin ng kumperensya na ito ay ang mga sumusunod:
- mailahad kung paano umusbong ang mga kilusang panlipunan at ang mahalagang papel ng mga ito sa ating kasaysayan;
- suriin ang itinakbo at pagpapatuloy ng dalumat at kaisipan ng Katipunan at kung paano ito nakaapekto sa pagbubuo ng mga kilusang panlipunan; at
- talakayin ang kabuluhan ng mga ito sa kasalukuyang panahon.
Inaasahan na ang mga dadalo sa gawaing ito ay ang mga guro at mag-aaral ng kasaysayan sa mababa at mataas na paaralan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro at mag-aaral sa pampubliko at pampribadong paaralan ay dapat naaayon sa no-disruption-of-classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan alinman sa mga sumusunod:
Bb. Nicole Angela V. Canseco
Pangulo
Unibersidad ng Pilipinas-Lipunang Pangkasaysayan (UP-LIKAS) UP-Diliman, Lungsod Quezon
Mobile Phone Blg.: 0917-812-9837
G. Eufemio O. Agbayani
Pangalawang Pangulo
UP-LIKAS
UP-Diliman, Lungsod Quezon Mobile
Phone Blg.: 0915-214-1338
- https://www.affordablecebu.com/