Ano ang kahulugan ng populasyon?
Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang bansa ay ang bilang ng mga tao na naninirahan sa bansang iyon.Populasyon ng Bansang Pilipinas
Population Clock of the Philippines
The Realtime Projected Population of the Philippines as of
Base from the 2015 CENSUS of Population: 100,981,437
Basis: 2015 PGR of 1.72
2024
Ayon sa Commission on Population (POPCOM) of the Philippines, ang kabuuang populasyon ng Pilipinas noong Marso 25, 2024 ay umabot sa humigit-kumulang 115,905,031 (115.9 million).
2022
Ayon sa Commission on Population (POPCOM) of the Philippines, ang kabuuang populasyon ng Pilipinas noong Septiyembre 24, 2022 ay umabot sa humigit-kumulang 113,310,330 (113.3 milyon).
2021
Ayon sa Commission on Population (POPCOM) of the Philippines, ang kabuuang populasyon ng Pilipinas noong Pebrero 10, 2021 ay umabot sa humigit-kumulang 110,443,518 (110.4 milyon).
2020
Ayon sa Commission on Population (POPCOM) of the Philippines, ang kabuuang populasyon ng Pilipinas noong Pebrero 10, 2020 ay umabot sa humigit-kumulang 108,777,254 (108.8 milyon).
2019
Ayon sa Commission on Population (POPCOM) of the Philippines, ang kabuuang populasyon ng Pilipinas noong Enero 11, 2019 ay umabot sa humigit-kumulang 106,907,264 (106.9 million).
2018
Ayon sa POPCOM, ang kabuuang populasyon ng Pilipinas noong Enero 3, 2018 ay umabot sa humigit-kumulang 105,138,404 (105 milyon). Napabilang pa rin ang Pilipinas na "Ika-13 na bansa na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo".
2016
Ayon sa POPCOM, ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong Enero 13, 2016 ay humigit-kumulang 102,467,483. Napabilang ang Pilipinas na "Ika-labintatlong Bansa na May Pinakamalaking Populasyon sa Buong Mundo".
2015
Ayon sa POPCOM ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong Enero 1, 2015 ay humigit kumulang 100,730,309 (100.7 million).
2014
Ayon sa POPCOM ang kabuuang bilang ng populasyon ng Pilipinas noong Hulyo 30, 2014 ay humigit kumulang 100,018,779 (100.18 million).
2013
Ayon naman sa pagtaya ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos, ang populasyon ng Pilipinas ay humigit-kumulang 105,720,644 (year 2013 estimate).
2012
Noong 2012, ang bilang ng populasyon ng Pilipinas ay umabot sa 103,775,002 katao ayon sa Central Intelligence Agency (CIA).
Mga Pangunahing Etniko na Bumubuo sa Pilipinas
- Tagalog
- Cebuano
- Ilocano
- Bisaya
- Hiligaynon o Ilonggo
- Bikolano
- Waray
- Kapampangan
- Moros
- Lumad
- cia.gov
- popcom.gov.ph