Ang mga tanyag na likha ni Rizal ay ang mga sumusunod:Noli Me Tangere (Touch Me Not)El Filibusterismo (The Reign of Greed)Mi Ultimo Adios (The Final Goodbye)Andres Bonifacio<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Andres-Bonifacio-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3562"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Andres-Bonifacio-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Andres-Bonifacio-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Andres-Bonifacio-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Andres-Bonifacio.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Si Andres Bonifacio, ang “Ama ng Rebolusyong Pilipino”, ay isa sa mga unang bayani ng Pilipinas na nagbigay ng pagkakataong magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas. Itinatag niya ang nasyonalistang grupo o ang Katipunan, na isinusulong ang rebolusyong Pilipino upang mapatalsik ang mga mananakop. Napatay si Bonifacio noong Abril ng taong 1897 sa utos ni Aguinaldo. Napatawan ito ng kasong treason at pinatay sa pamamagitan ng firing squad, kagaya ni Rizal.Dahil isang maralita at maagang naulila sa mga magulang at kinailangang mamasukan sa iba’t ibang trabaho, namulat siya ng mga akda ni Jose Rizal, Les Miserables, at The Wandering Jew. Sumali siya sa La Liga dahil dito at nang mapatapon si Rizal ay binuo niya ang Katipunan. Pinamunuan niya ang rebolusyon ngunit hindi siya ang ginawang presidente ng Pilipinas nang napatalsik ang pananakop sapagkat siya’y maralita lamang at walang pinag-aralan.Tanyag ang dalawang gawain ni Andres Bonifacio at hanggang ngayo’y pinag-aaralan sa sekondarya. Ang mga ito ay:Pag-ibig sa Tinubuang LupaAng Dapat Mabatid ng mga TagalogAntonio Luna<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Antonio-Luna-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3563"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Antonio-Luna-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Antonio-Luna-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Antonio-Luna-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Antonio-Luna.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Si Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio Ancheta, mas kilala bilang Heneral Antonio Luna, ay isang mananaliksik at sundalo na lumaban noong sa digman ng Amerika at Espanya. Siya ay tanyag dahil sa kaniyang karahasan at matinik na bibig na walang sinasanto, kahit na ang kabinete ng gobyerno. Pinatay si Luna sa kamay ng kanyang mga pinatalsik, pinatay, at tinalong mga sundalo at kalaban sa politika. Napag-alamang si Emilio Aguinaldo ang naging utak ng kanyang asasinasyon, buhat ng kaniyang takot sa lumalaking impluwensiya ni Luna. Hindi sang-ayon si Luna sa kagustuhan ni Aguinaldo at ibang miyembro ng gabinete na maging sunod-sunuran sa batas ng Amerika. Si Heneral Luna ay ang isa sa pinakamagiting na sundalo ng Pilipinas.
Si Antonio Luna ay hindi lamang isang sundalo kundi isang mananaliksik din. Nakapagbigay si Luna ng malaking kontribusyon sa larangan ng siyensya sa pamamagitan sa mga saliksik ukol sa mga sakit na nakahahawa. Nagkaroon siya ng Pharmaceutical license, at ang pinakaunang Pilipino nag-aral ng Environmental at Forensic Science. Tanyag ang kanyang doctoral na tesis patungkol sa malaria, na pinamagatang El Hematozoario del Paludismo. Apolinario Mabini<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Apolinario-Mabini-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3564"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Apolinario-Mabini-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Apolinario-Mabini-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Apolinario-Mabini-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Apolinario-Mabini.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Si Apolinario Mabini, ang “Dakilang Lumpo”, ay isang bayaning may napakalaking kontribusyon sa proseso ng pagtungo ng Pilipinas sa kasarinlan kahit na siya pa ay isang lumpo. Bilang isang abogado, si Mabini ay nagtataglay ng kaalamang pangstratehiya at pambatas na makatutulong sa pagpaplano ng mga rebolusyonaryo. Siya ang nagsilbing tagapayo ng rebolusyon sa legal at konstitusyong aspeto nito. Si Apolinario Mabini rin ang kauna-unahang punong ministrong Pilipino sa pagkakagawa ng unang republika ng Pilipinas.Bilang anak ng maralitang pamilya, naging paralisa ang mga paa ni Mabini dahil sa sakit na polio. Naging kaagapay man ni Aguinaldo ay nagpasya itong tumulong sa rebolusyon ng Pilipino sa Philippine-American War, kung kaya’t ipinatapon siya sa Guam. Ibinalik siya sa Pilipinas noong 1903, at pagkatapos ng dalawang buwan ay namatay dahil sa cholera.Si Mabini ay may dalawang akda na may napakalaking kontribusyon sa Pilipinas noon: El Verdadero DecalogoPrograma Constitucional dela Republica FilipinaAng dalawang akdang ito’y ginamit na basehan ng Malolos Constitution.
Emilio Aguinaldo<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Aguinaldo-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3565"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Aguinaldo-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Aguinaldo-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Aguinaldo-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Aguinaldo.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Si Emilio Aguinaldo ay ay isa sa mga lider ng himagsikan ng grupong grupong Katipunan, at isang tenyente ni Andres Bonifacio. Tumulong si Emilio Aguinaldo upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mga kastila, daan sa kanyang pagiging unang presidente ng Pilipinas sa ilalim ng konstitusyon ng Malolos. Sa utos ni Aguinaldo na pagpatay kay Bonifacio ay siya ang humalili bilang pinuno ng rebolusyong grupo. Nakipagdigmaan ang Pilipinas at ang Amerika para sa kalayaan ng Pilipinas ngunit napakaraming dugo lamang ang dumanak na wala paring bakas ng pagkapanalo. Sa pagkatalo’y sumuko si Aguinaldo at namuno na limitado ang kapangyarihan dahil sa mga Amerikano.Kahit na si Emilio ay nakatulong sa pagpapatalsik ng Espanya, napakaraming debate at argumento kung tunay nga bang bayani si Aguinaldo. Ang mga ito’y ilan sa mga katotohanang pinaninindigan ng mga mananaliksik kung bakit ka-kwestyon kwestyon ang pagkabayani ni Aguinaldo:Traydor. Sa halip na tulungan si Bonifacio ay nagtaguyod ito ng sariling pamahalaan sa katipunan, dahilan kung bakit nahati sa dalawa ang katipunan;Mamamatay tao. Inutos niya ang pagkamatay ni Bonifacio dahil sa isang akusasyon. Sa kanyang mga maliliit na gawai’y napatalsik niya rin si Bonifacio sa pagkapresidente. Binenta niya ang Pilipinas. Sinuko niya ang Pilipinas at nagpatalsik sa Hong Kong, kasama ang tumatagingting na $800,000.Sarili muna bago bansa. Sinuko niya ang Pilipinas sa mga hapon.Emilio Jacinto<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Jacinto-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3566"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Jacinto-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Jacinto-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Jacinto-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Emilio-Jacinto.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">
Si Emilio Jacinto, na mas kilala bilang ang “Utak ng Katipunan”, ay isa sa mga bayani ng Pilipinas na ginamit ang papel at pluma bilang sandata sa halip na baril at itak. Napakatalino ni Emilio kung kaya’t napakataas ng respeto nina Bonifacio. Naihalal siya bilang kalihim ng kataas-taasang sanggunian sa Katipunan sa edad na dalawampung taong gulang lamang.Nagsulat para sa Kalayaan, ang opisyal na dyaryo ng Katipunan. Napakaepektibo niya bilang isang manunulat na sa unang labas ng dyaryo’y nakapag-engganyo ito ng libo libong kasapi. Inilagay niya sa alyas na Pingkian ang kilusan at siya nama’y si Dimasilaw. Nang namatay si Bonifacio’y tumiwalag siya sa katipunang si Aguinaldo ang namumuno, ngunit di kalaunay bumalik siya sa kilusan. Namatay siya sa sakit na malarya sa batang edad na dalawampu’t apat.
Kilala si Jacinto sa kanyang mga akda. Ito ang mga sumusunod: Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.Katungkulang Gawain ng mga Z.LL.B.Kartilya ng KatipunanLiwanag at DilimGabriela Silang<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Gabriela-Silang-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3567"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Gabriela-Silang-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Gabriela-Silang-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Gabriela-Silang-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Gabriela-Silang.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Hinahangaan si Gabriela Silang, ang bayaning tanyag sa kanyang partisipasyon sa rebolusyon. Si Gabriela Silang ay namuhay na inaasikaso ang kanyang asawang si Diego sa rebolusyon hanggang sa pinatay ang kanyang asawa dahil labag sa nais ng mga kastila ang sinusulong nitong adhikain. Sa pagkamatay ni Diego ay nawalan ng pinuno ang kilusan, kung kaya’t buong tapang na inako ni Gabriela ang posisyon ng kanyang asawa bilang pinuno ng himagsikan. Tinatawag siyang Henerala, na ang ibig sabihi’y babaeng heneral. Sa pamumuno ni Gabriela ay naigayak niya ang mga rebolusyonaryo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Maraming naipanalo ang koponan ni Gabriela, ngunit sa huliha’y nakuha sila ng mga kastila, na pinamumunuan rin ng taong nagpapatay kay Diego Silang. Ibinitay ang mga tenyente ni Gabriela, at si Gabriela ay publikong ibinitay sa harap ng maraming kastila. Kahit sa huling hininga ay nanatiling kalmado at matatag si Gabriela, na umani ng libo libong respeto sa mga rebolusyonaryo.Kahanga hanga si Gabriela sa kaniyang panahon at sa panahon ng kasalukuyan sapagkat hindi inalintana ni Gabriela Silang ang role na ibibigay sa kanya base sa kanyang kasarian. Ito’y naging simbolo ng peminismo at hanggang ngayo’y si Gabriela ang tinutukoy na nagsimula ng pagkaalis ng mga gawain sa lipunan base sa kasarian.GOMBURZA<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gomburza-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3568"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gomburza-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gomburza-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gomburza-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gomburza.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Ang GOMBURZA ay hindi isang tao kundi tatlong mahabaging pari: sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Sila’y popular sapagkat ang kanilang walang hustisyang pagkamatay ang nagsindi ng apoy ng himagsikan at pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Sila’y salungat sa pamamaraan ng mga kastilang prayle kung kaya’t mapait na sila sa mga dila ng Kastila. Inakusahan silang kasapi ng pag-aalsa sa Cavite at kahit na walang ebidensiya’y walang awang ginarrote.
Tunay ngang napakapait ng kanilang pagkamatay. Si Gomez ang pinakaunang ginarrote, at dahil sa matanda na ito’y tahimik na tinanggap ang kanyang kamatayan. Sunod na pinatay si Zamora, na parang nawalan ng katinuan at hindi na sumasagot sa anumang ingay. Pinakahuling pinatay si Burgos, na di umano’y umiyak na parang bata sa araw ng eksekusyon. Bago siya namatay ay pinagdasal niya ang papatay sa kanya, sabay sabing, “Pinapatawad kita, anak. Gawin mo ang iyong trabaho.”Ang pagkamatay ng GOMBURZA ay nirerespeto ni Rizal, lalo na’t para sa kanya ay ito ang pumukaw ng mga Pilipino na maghimagsik. Kung hindi ito nangyari’y walang Plaridel o Jaena o Sanciongco, at hindi magsusulat ng Noli Me Tangere bagkus ay magsusulat pa ng mga papuri tungkol sa simbahang katoliko.Gregorio del Pilar<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gregorio-del-pilar-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3569"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gregorio-del-pilar-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gregorio-del-pilar-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gregorio-del-pilar-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/gregorio-del-pilar.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Si Gregorio del Pilar ay isa sa mga tanyag na bayani sapagkat nakulayan ng rosas ng mga Amerikano ang storya ng kanyang pagkamatay. Mas kilala bilang si Goyo, si Gregorio del Pilar ay isang heneral ng katipunan na sa ilalim ng pamumuno ni Presidente Emilio Aguinaldo. Siya ang namuno sa away sa Pasong Tirad na kung saan ay ibinuwis niya ang kanyang buhay upang maitakas ang pamilyang Aguinaldo sa bundok laban sa mga Amerikanong sumakop sa Pilipinas. Si Goyo ay tanyag sa kanyang kagwapuhan at kakisigan, lalo na sa mga babae. Di umano’y may tinahing panyo o sulat ng mga kababaihan ang kanyang bag. Kapatid niya si Marcelo H. Del Pilar, na hindi kagaya sa kanyang kapatid na naging sundalo, nagsulat ito sa ilalim ng pangalang Plaridel.
Tunay ngang bayani si Goyo ngunit sa kanyang talambuhay maipapakita na ang mga bayani’y tao rin. Si Goyo’t ang kanyang mga pinamumunuan ay tinawag ni Heneral Luna na ‘grupong mantika’ at ‘aso’, sapagkat napakatapat ni Goyo kay Emilio Aguinaldo. Nagmistulan itong aso na sinusunod ang kagustuha’t utos ni Aguinaldo, kahit na ito’y mali. Si Goyo ang inutusan ni Aguinaldo na aaresto kay Luna sa salang pagtataksil ngunit hindi ito natuloy dahil pinaslang ng mga kawal ni Aguinaldo si Luna bago ito madakip.Juan Luna<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Juan-Luna-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3571"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Juan-Luna-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Juan-Luna-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Juan-Luna-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Juan-Luna.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Kilala si Juan Luna dahil sa kanyang ibang pamamaraan sa pagpapaalam sa dahas at opresyong nangyayari sa Pilipinas. Hindi man nakatira sa Pilipinas ay ipinakita niya sa kanyang mga pinintang larawan at inukit na mga disenyo ang kalagayan ng Pilipinas, na kung saa’y nagpamulat at nagbigay kaalaman sa mga tao sa internasyonal na lebel. Kapatid ni Juan Luna si Antonio Luna, ang pinakamarahas na heneral ng bansa. Magkaiba man sila ng paraan ng pakikibaka ay magkabuklod ang kanilang pagmamahal sa bayan. Magaling mang pintor at isang nasyunal na bayani’y hindi maikakailang may malagim na nakaraan si Juan Luna: pinatay niya ang kanyang asawa at manugang, at sinugatan ang kanyang kapatid sa batas. Naaresto siya ngunit dahil sa batas noon na binibigyan ng kapatawaran ang mga kalalakihang napapatay ang kanilang mga asawa’y nakalaya siya. Nakaalis ma’y hindi maiaalis sa kanyang mga kamay ang walang awang pagpatay niya sa kanyang pamilya.Napakatanyag ng mga Juan Luna paintings na hanggang ngayo’y hinahangaan pa rin ang kanyang mga obra. Ang pinakatanyag niyang obra ay ang Spolarium, na nagpapakita ng mga patay na gladiator na kinakaladkad ng mga romano. Ito’y humakot ng samu’t saring mga medalya, at ayon kay Rizal, ito ay sumisimbolo ng politika na hindi nalalayo sa Pilipinas: mga mananakop na inaalipusta ang mga mamamayang tahimik na naninirahan sa kanilang lupa.Bukod sa Spolarium, ang mga ito’y tanyag ring gawain ni Juan Luna:The Death of CleopatraEl pacto de sangreLa batalla de LepantoThe Parisian LifeThe RiverDespues del BaileManuel L. Quezon<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Manuel-L-Quezon-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3572"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Manuel-L-Quezon-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Manuel-L-Quezon-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Manuel-L-Quezon-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Manuel-L-Quezon.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Si Manuel L. Quezon, o MLQ, ay ang unang presidente ng Pilipinas sa ilalim ng batas komonwelt. Siya ay isang presidente, ama, at mamayan na binagtas ang lupa ng Amerika upang makuha ng Pilipinas ang kalayaan. Sa termino ni Manuel L. Quezon sumibol ang pagkabuo ng wikang natatangi sa Pilipinas, ang wikang Filipino. Dahil dito’y binansagan si Manuel L. Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa”. Sa pamumuno ni Quezon ay umusbong ang natatanging lenggwahe ng Pilipinas at napagtibay ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagpatatayo ng mga probisyon. Hindi lamang sa mga Pilipino naging bayani si Quezon. Naging bayani rin siya sa mga Jews na tumakas sa Germany. Kinukop niya ang lahat ng mga tumakas, tinawag na “Manilenos”, at pinatira sa Pilipinas. Nagdulot ito ng positibong epekto sa Pilipinas sapagkat nang pininsala ng bagyong Yolanda ang Pilipinas nagtipon tipon ang mga Manilenos upang matulungan ang mga biktima.Manuel L. Quezon ChildrenIsang ama si Manuel L. Quezon mga na anak na sina: Luisa Corazón Paz Quezón,Maria Zenaida Quezon Avanceña,María Aurora “Baby” Quezón, atManuel L. Quezon Jr.Marcelo H. Del Pilar<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/marcelo-del-pilar-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3573"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/marcelo-del-pilar-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/marcelo-del-pilar-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/marcelo-del-pilar-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/marcelo-del-pilar.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Isang sa mga kapuna punang bayani si Marcelo H. Del Pilar dahil sa kanyang kontribusyon sa repormistang Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusulat. Dahil sa kanyang kagalingan sa pagsasalita at pagsusulat sa Tagalog ay napukaw niya ang mga mamamayang Pilipino sa ideya ng trabaho, respeto, karapatan, pribiliheyo, at opresyon. Tinatag niya ang pahayagang Diariong Tagalog upang maipahayag ito sa mga Pilipino.Pumunta sa Espanya si Pilar upang tumakas at doo’y naging editor ng periodical na La solidaridadin Madrid. Isinulat niya ang kanyang ninanais para sa Pilipinas: pantay na karapatan sa mga kasila, kalayaan sa pagpapahayag, at karapatang magkaroon ng posisyon sa mga politikal na agenda patungkol sa Pilipinas. Isinulat nita ito upang mahikayat ang mga kastilan liberal at suportahan ang Pilipinas. Ngunit, paubos na ang perang susuporta sa pahayagan at wala pa rin itong sapat na suporta sa mga kastilang liberal kung kaya’t nagbalak si Marcelo na gamitin ang dahas sa paghihimagsik.“Insurrection is the last remedy, especially when the people have acquired the belief that peaceful means to secure the remedies for evils prove futile.” Ito ang mga katagang sinabi ni Pilar, na naghikayat kay Andres Bonifacio na buuin ang katipunan.Melchora Aquino<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Melchora-Aquino-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3574"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Melchora-Aquino-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Melchora-Aquino-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Melchora-Aquino-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/Melchora-Aquino.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Binansagang Tandang Sora ng Katipunan, si Melchora Aquino ay ang “Ina ng Katipunan” dahil sa kontribusyon nito sa rebolusyon kahit na walumpu’t apat na taong gulang na ito. Ang kanyang tindahan ang nagsilbing rendevous point ng mga katipunero upang magtipon at magdaos ng importanteng mga miting. Nagsilbi rin itong pagalinan ng mga sugatang katipunero na si Aquino at iba pang kasapi ang nag-aalaga.Nang napag-alaman ng mga kastila ang pagtataksil na ginawa ni Aquino ay inaresto siya ng mga kastila at pwersahang tinanong sa kinalalagyan ni Bonifacio. Hindi nagpatinag si Aquino kung kaya’t pinatapon siya sa Mariana Islands.Namatay si Auino sa edad na isang daa’t pito. Ang kanyang katawa’y inilibing sa Himlayang Filipino Memorial Park.Miguel Malvar<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/miguel-malvar-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3575"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/miguel-malvar-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/miguel-malvar-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/miguel-malvar-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/miguel-malvar.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Si Miguel Malvar ay isang heneral na isa sa mga lumaban sa rebolusyon at sa digmaan ng Pilipinas at Amerika. Siya ang humalili sa pagiging presidente matapos tumakas ni Aguinaldo sa kabundukan ngunit hindi siya kinilala bilang pangalawang presidente ng Pilipinas. Si Miguel Malvar ang huling heneral na sumuko sa digmaan ng Pilipinas at Amerika.Nabuhay sa prominenteng pamilya at may koneksyon sa pamilya ni Rizal, naging mulat si Malvar at tumulong sa pagtigil ng karahasan ng mga prayle. Di kalauna’y sumali siya sa katipunan at doo’y sumabak sa himagsikan sa direktang pamumuno ni Aguinaldo. Kabaliktaran si Malvar kay Aguinaldo nang naging “presidente” ito. Habang si Aguinaldo’y tahimik, hindi tinatago ni Malvar ang simpatya sa mga mahihirap at naghihingalo.Ramon Magsaysay<img decoding=""async"" width=""1024"" height=""427"" src=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/ramon-magsaysay-1024x427.jpg"" alt=""Bayani-Ng-Pilipinas"" class=""wp-image-3576"" srcset=""https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/ramon-magsaysay-1024x427.jpg 1024w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/ramon-magsaysay-300x125.jpg 300w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/ramon-magsaysay-768x320.jpg 768w, https://gabay.ph/wp-content/uploads/2020/10/ramon-magsaysay.jpg 1200w"" sizes=""(max-width: 1024px) 100vw, 1024px"" title=""Mga Bayani ng Pilipinas - Gabay.ph"">Tinatawag si Ramon Magsaysay na “the guy” o “Presidente ng Masang Pilipino” dahil sa kanyang pagkiling sa mamamayan. Binuksan niya ang pintuan ng Malacañang para direktan pakinggan ang mga daing ng mahihirap at nagdurusa. Hanggang sa kasalukuyan, ang katangiang ito ni Magsaysay ang ninanais ng mga Pilipino na tinataglay ng presidente ng Pilipinas. Si Ramon Magsaysay ang humupa sa banta ng HukBaLaHap (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon) sa pamamagitan ng pagbigay ng mga lupa sa mga magsasaka at mga mahihirap. Binigyan niya ang mga itong mga sapat na kasangkapan upang bumangon, dahilan kung bakit minahal sya ng masa.Tiniwalag rin ni Magsaysay ang mga kurap na mga opisyal sa politika at pinagtibay ang militar upang mahanda ang mga ito sa anti-gerilya. Dahil sa kanyang radikalistang pananaw ay dumami ang kanyang kalaban sa pamahalaan. Nagbitiw siya sa kanyang posisyon noong ika-28 ng Pebrero, 1953. What’s your Reaction?+1 2+1 2+1 2+1 1+1 0+1 0+1 0 Facebook Twitter" - https://www.affordablecebu.com/