Home » Articles » Literature

Talata tungkol sa Guro (Mga Halimbawa)

Narito ang ilang halimbawa na mga talaga tungkol sa Guro:
 

Mga Talata Tungkol sa Guro (Mga Halimbawa)

Halimbawa na mga Talata Tungkol sa Guro 1

Ang ating guro ang nagsisilbing taga-hulma ng ating katangian at personalidad.Kinikinis nila ang ating pagkatao. Pina-uunlad ang magagandang katangian at binabago ang ating mga pangit na katangian.
 

Halimbawa na mga Talata Tungkol sa Guro 2


Para silang mga magsasaka na nagtatanim ng mga halaman sa ating mga inosenteng kaisipan.
Nang sa gayon sa hinaharap, itong mga halaman na ito, ang mga kaalaman, ay magagamit natin sa ating buhay sa hinaharap sa iba't ibang lugar at sa iba't ibang panahon.
 

Halimbawa na mga Talata Tungkol sa Guro 3


Lumaki ako na napatnubayan ng mga guro, dahil ang aking ina't lola ay kapwa mga guro. Magkaharap lamang ang aming tirahan at paaralan kung saan nagtuturo ang aking ina. Noon pa man, naniniwala ako na ako'y magiging isang guro rin pagdating ng panahon. Tinuruan kaming magkakapatid ng tamang pagsulat na kursiba. Kaya alam naman nito bago pa man namin matutuhan sa paaralan. Araw-araw namulat ako na nakakakita ako ng lesson plan, test papers at projects sa tahanan namin. Sa tuwing umuuwi ang aking ina na may dalang sulitang papel (test papers), nagpiprisinta akong mag-tsek. Napupuyat ang aking ina sa mga lesson plans at visual aids, lalo na’t noong panahong iyon ay hindi pa uso ang power point. Minsan ay tinutulungan na siya ng aking lola dahil inaabutan na ng hating gabi ang aking ina sa paghahanda, lalo na kung panahon ng pagsusulit.

Sa aking nakagisnan, hindi madali ang maging guro. Ang pagiging guro ay nakababahalang at nakauubos ng oras at lakas, lalo na sa boses. Stressful, ika nga. Kung ikaw ang tipo ng tao na may dedikasyon at pagmamahal sa karerang pinili mo, gagawin mo ang lahat upang maging mabisa, at magbunga, ang iyong paghihirap sa pagbigay kaalaman sa mga kabataan. Sa grading system pa lamang ay dapat hindi ito hinuhulaan; dapat ay batayan ka at dapat ayon ito sa ipinakitang mga gawa at partisipasyon ng estudyante.

Mataas ang tingin ko sa mga guro, dahil na rin siguro sa aking pinanggalingan. Ngunit kung iisipin natin, kailangan ng mahabang pasensya ang maging isang guro. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’. Sa kabilang banda naman, ang mga guro ang humahalili at gumagabay sa mga kabataang pag-asa ng bayan. Sila ang mga bayani ng mga kabataan. Sila ay dapat maging magandang ehemplo sa mga kabataan. Hindi lahat ng mga nasa gulang ay kakayahan upang gawin ito. Iba ang respeto na dapat ibinibigay sa mga guro dahil hindi lang utak ang dapat nilang bigyang pansin, pati puso ng mga mag-aaral ay dapat nilang mahuli. Sila na ang tumatayong pangalawang magulang ng mga estudyante, kaya dapat, kung paano galangin ng mga kabataan ang kanilang mga magulang, ay siya ring pagpapakita ng respeto sa mga guro.

Iba-iba man ang mga ugali ng mga nakasalamuha nating mga guro, pero aminin natin, tumatak sila sa atin. Minsan pa nga ay sila pa ang nagiging inspirasyon natin. Parang mga pangaral lang din ng ating mga magulang, mas napagpapahalagahan lang natin ang kanilang mga aral kapag nakaalis na tayo sa kanilang poder at namumuhay na tayo sa katotohanan. Bigyan natin ng pagpapahalaga ang kanilang iginugol na panahon upang mapagtagumpayan natin ang buhay pagkatapos mag-aral. Layunin nilang may matutunan ka, kaya dapat ay magsumikap ka.
 

Kung nahahabaan ka sa mga talatang ito, pumili ka lang diyan ng isang maikling talata na sa palagay mo ay angkop para sa takdang gawain mo.

Meron ka pa bang gusto ipagawa na talata o sanaysay, pwede mong i-suggest sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Talata tungkol sa Guro (Mga Halimbawa)" was written by Mary under the Literature category. It has been read 12750 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 03 February 2021.
Total comments : 0