Sa madaling sabi, inuuna ang iba kesa sa sarili.
Nakikita rito ang iyong pagkamatulungin o pagiging mabuti sa iyong kapwa.
Dahil alam naman natin may kabutihan din itong kapalit sa hinaharap.
Ang magandang karma (o magandang buhay) ang magsusukli sa iyo sa hinaharap.
Sabi nga ng iba, "Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin".
Bilang pagbubunyi sa pagiging mabuti sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapaubaya ng sariling kapakanan para sa kapwa, narito ang mga slogan na nilikha para lalong mag-uumapaw ang damdamin para ikabubuti ng iba.
Mga Slogan Tungkol sa Pagpapaubaya ng Sariling Kapakanan Para sa Iba
- Sa kapwa maging matulungin, Upang buhay ay pagpapalain.
- Sariling kapakanan wag unahin, Kapwa moy ipagmalasakit at mahalin.
- Isipin mo lagi ang ikabubuti ng iba, wag ang sariling kapakanan ang laging inuuna.
- Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal sa iyong sarili.
- Ang may malasakit sa mga dukha, may malaking kaharian sa langit nakahanda para sa kanila.
- Ang pusong may malasakit, marunong tumulong sa taong nagigipit
- Kay sayang pagmasdan, sa mga magkakapatid na nagtutulungan.
- Sa kapwa ipairal ang kabutihan, wag ang sariling kapakanan lamang.
- Minsan ka ring humingi ng tulong sa iyong kapwa, Kaya ibahagi mo naman ang tulong mo sa iba.
- Ang taong sakim, puno ng galit ang damdamin.
- "Dito isusulat ang iyong sariling slogan" - "dito naman isusulat ang iyong panglan".
Kung meron ka namang sariling slogan na ginawa, ipost mo sa comment sa ibaba para isama namin ang iyong slogan sa listahan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/