Mga halimbawa ng social media ay ang Facebook, Twitter, TikTok, Instagram, Youtube, atbp.
Maraming magagandang naidudulot ang social media sa tao sa paraang mabilis napapalaganap ang impormasyon o komunikasyon sa buong mundo.
Ngunit kaakibat naman sa kagandahang ito ay ang kasamaang ibinubunga sa maling paggamit nito. Kapag mali, negatibo, sekswal, scandal o nakasisira sa imahe ng isang tao ang ipinopost sa social media, ito'y nakakasama sa tao sa kanyang buhay.
Kaya dapat maging maingat sa paggamit ng social media. Gamitin ito sa tamang paraan at hindi para manira sa ibang tao, sa kabulastugan o sa illegal na paraan.
Narito ang mga halimbawa ng mga slogan tungkol sa tamang paggamit ng social media.
Kaya dapat maging maingat sa paggamit ng social media. Gamitin ito sa tamang paraan at hindi para manira sa ibang tao, sa kabulastugan o sa illegal na paraan.
Narito ang mga halimbawa ng mga slogan tungkol sa tamang paggamit ng social media.
Mga Slogan Tungkol sa Tamang Paggamit ng Social Media
- Impormasyon kilatisin, Bago pindutin!
- Kapag nakaka-sick, Wag ng i-klik!
- Wag maging bitter, Gawing tama ang pag-share
- Bago ka mag-klik, Impormasyon dapat hindi sick!
- Kapag mabuti, pindutin, Kapag masama, alisin!
- Sa isang klik, Buhay ang kapalit!
- Sa bawat klik, Isipin lagi ang mabuti!
- Kapag nakakahiya, Wag ng ipost sa Social Media
- Tamang impormasyon palaganapin, Maling impormasyon alisin.
- Social media gamitin sa tamang paraan, hindi sa kalokohan.
- Kapag nakakasama, Wag ng ipost sa Social Media.
- Kapag post mo nakakasama, Wag ng palalain pa!
- Wag ng ipost sa Social Media, Kapag may nasasaktan kang iba!
- Ingatan ang buhay ng iba, Gamiting nang tama ang Social Media.
- Sa Social Media Wag Pindot nang Pindot, Nang si Krimen Hindi Masangkot.
- Sa isang pindot sa Social Media, Katumbas ng pagkasira ng buhay ng iba.
Pwede mong i-share sa aming sa comment sa ibaba. Ilalagay namin ang iyong slogan sa itaas kasama ang iyong pangalan. - https://www.affordablecebu.com/