Magbibigay tayo ng ilang halimbawa ng mga slogan tungkol sa employment sa ibaba at ang kanilang mga paliwanag.
Slogan Tungkol sa Employment
1. "Karapatang ng Manggagawa, Huwag Isawalang-Bahala".
Paliwanag:
Marami ang mga karapatan ng mga mangagawa na dapat ibigay ng mga nangangasiwa sa kanila. Halimbawa ng mga karapatang ito ay sapat, tama, at walang palya (delay) na sahod, karapatang magpahinga, karapatang mag-organisa ng unyon, sumali o tumulong sa isang unyon para may proteksyon laban sa pang-aabuso ng mga nangangasiwa at proteksyon upang mapangalagaan ang seguridad, kalusugan, sahod, posisyon at bilang ng oras sa trabaho.
2. "Tamang Benepisyo, Ibigay sa Manggagawang Pilipino".
Paliwanag:
Meron kasing mga nangangasiwa sa negosyo o organisasyon na pinipigilan ang pagbigay ng tamang benepisyo sa mga mangagawa kapag umabot na sila sa partikular na haba ng panahon ng trabaho. Tinatawag ito ng iba na "loyalty reward". Maraming mga sakim na nangangasiwa na hindi binibigay ang benepisyong ito sa kanilang mga mangagawa. Marapat lamang na magtanong o mag-inquire sa ibang katrabaho kung binibigay ba ng mga nangangasiwa o ng isang kompanya ang mga benepisyo para sa mga manggagawa.
3. "Sahod na Walang Delay, Para Manggagawa Laging Happy".
Paliwanag:
Aba! Siyempre sino bang trabahador o manggagawa ang matutuwa kung ang sweldo niya ay laging delay? Dapat lang ibigay agad sa nakatakdang panahon o schedule.Eh kung wala pang pangsahod ng kompanya o organisasyon, eh di mangutang muna ang kompanya o organisasyon para pangsahod. Kawawa naman ang mga pamilya ng mga manggagawa na lageng delay delay ang sweldo.
Meron ka ba pang gustong idagdag sa itaas? Sabihin mo lang sa comment sa ibaba. Ilalagay namin ang iyong suhestiyon kabilang na ang iyong pangalan.
- https://www.affordablecebu.com/