Yang buong pagkatao mo, buhay mo at dugo mo, galing yan sa mga magulang mo.
Hindi mo lang alam kung anong mga sakripisyo ang ginawa ng iyong mga magulang simula nong araw na pinanganak ka at hanggang ngayon.
Kaya marapat lang na pag-ukulan sila ng walang kapantay na pagmamahal, pagmamalasakit at paggalang.
Upang lalong pasidhiin ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang, narito ang mga slogan na nilikha na nagpapatibay ng damdamin upang lalo mong mahalin ang iyong mga magulang.
Mga Slogan tungkol sa Pagmamahal sa Magulang
- Pagmamahal na di mapapantayan, pagmamahal ng mga magulang.
- Pawis, dugo, buhay handang ibuwis, upang mga anak ay hindi magtiis.
- Anak na masunurin, mga magulang masayahin.
- Pilyong anak, mga magulang napapahamak.
- Mga anak na matigas ang ulo, mga magulang sumasakit ang ulo.
- Karangalan ng magulang, ang anak na nagtatagumpay sa anumang larangan.
- Kapag ang mga magulang tumanda, paglaanan ng panahon, pagmamahal at pag-aaruga.
- Payo ng mga magulang, nagtutuwid sa iyong baluktot na daan.
- Wagas na pagmamahal ibigay, sa mga magulang na sa iyo'y umalalay.
- Sa pagtanda mga magulang mo'y wag mong saktan, magagandang biyaya sa iyo'y nakalaan sa kalangitan.
- "Dito isusulat ang iyong slogan". - dito naman isusulat ang iyong pangalan.