Home » Articles » Literature

Mga Slogan Tungkol Sa Pagbasa

Ipinahayag ng DepEd sa pangunguna ng dating Education Secretary Armin Luistro na ang buwan ng Nobiyembre ay "National Reading Month". Kaugnay nito, November 27 kada taon ang "Araw ng Pagbasa". Maraming mga mag-aaral, maging ang mga guro ang naghahanap at nagsasaliksik kung anong magagandang mga slogan ang pwedeng gawin tungkol sa Pagbasa. Sa mga hindi pa marunong gumawa ng slogan, narito ang isang patnubay na tiyak na makakatulong sa inyo: Kung meron na kayong ideya o may alam na kayo kung paano gumawa ng slogan, halina't gumawa tayo ng mga slogan tungkol sa pagbasa. Pwede niyong ipost ang sarili niyong mga slogan sa comment sa ibaba. Ipopost po namin ang inyong mga slogan kabilang ang inyong pangalan sa listahan sa ibaba. Gumawa na tayo ng slogan.
Mga Slogan Tungkol sa Pagbasa

Mga Slogan Tungkol sa Pagbasa

  1. "Nasa pagbasa ang pag-asa"
  2. "Hiwaga ng karunungan matutuklasan, kung ang pagbasa ay pahalagahan" - by khen salce
  3. "Pag-iisip hasain, pagbasa laging gawin." - by khen salce
  4. "Kaalama'y palawakin, pagbasa ugaliin." - by khen salce
  5. "Pundasyon ng magandang kinabukasan, sa pagbasa mamuhunan." - by khen salce
  6. "Sa pusikit ng kadiliman, pagbasa'y nagbibigay apoy ng kaliwanagan." - by khen salce
  7. "Karamihan sa mga may mataas na panunungkulan sa pamahalaan, ang pagbasa'y kinaugalian." - by khen salce
  8. "Kabataan asenso, ang pagbasa ugaliin mo." - by khen salce
  9. "Sa lahat ng bagay, kunin mo ang karunungan, ang pagbasa ang isa mga pangunahing paraan." - by khen salce
  10. "Kung may mga taong punong-puno ng katalinuhan kang nakikilala, tanungin mo kung anong mga libro ang kanilang nabasa." - by khen salce
  11. "Magbasa, magbasa, magbasa." - by khen salce
  12. "Mag-travel sa ibang lugar nang libre: Magbasa!" - by khen salce
  13. "Makapangyarihan ang karunungan, kaya magbasa para sa karunungan" - by khen salce
  14. "Kung gaano karami ang iyong nababasa, ganun karami ang buhay na iyong makikilala" - by khen salce
  15. "Palawakin ang daigdig ng bata, imulat siya sa pagkahilig sa pagbasa." - by khen salce
  16. "Higit pa sa pilak at ginto ang makukuha sa taong mahilig magbasa." - by khen salce
  17. "Ang pagbasa'y, pintuan sa pagtuklas ng kaalaman." - by khen salce
  18. "dito isusulat ang iyong slogan..." - ang iyong pangalan

Mga Pabirong Slogan Tungkol sa Pagbasa
  1. "Maging adik sa pagbasa, huwag sa DOTA!" - by khen salce
  2. "Maging adik sa pagbasa, huwag sa droga!" - by khen salce
  3. "Ang taong palabasa, parang naka-droga" - by khen salce
  4. "Ang taong palabasa, kalimita'y may apat na mata." - by khen salce
  5. "Paano ka makakabasa, kung wala kang mata?" - by khen salce
  6. "Ang taong mahilig magbasa, pinaglihi sa pinya" - by khen salce
  7. "Para kang si Kapitan Basa, mahilig magbasa." - by khen salce
  8. "Mag aral magbasa, wag sa dota magpakatanga" - by carl david romero
  9. "dito isusulat ang iyong slogan..." - ang iyong pangalan

Ikaw naman! Meron ka bang tinatagong mga slogan diyan? Ipost mo na sa comment sa ibaba. - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mga Slogan Tungkol Sa Pagbasa" was written by Mary under the Literature category. It has been read 164481 times and generated 10 comments. The article was created on and updated on 06 March 2021.
Total comments : 10
Ian? [Entry]

"Ugaliing magbasa kase why not? UwU"
France Laurence [Entry]

Pagbabasa ay ugaliin, I miss you.
Almira [Entry]

Pahingi nmn ng maganda slogan tungkol sa bawat bata bumabasa sa panahon ng pandemya
Best Waifu8 ml name ko [Entry]

Wag na mabasa mag ml nalang sana
Wattmader [Entry]

Pag basa ay iyong pahalagahan
Di ka naman mahal ng iyong pinupusuan.
Guest [Entry]

Wattmader,

"Pag di ka mahal ng iyong pinupusuan, Marami namang iba diyan"

Naghihintay lang sila sa tamang panahon at tamang aksyon.
Make your way [Entry]

Kapag nagbabasa palaging may pag-asa
Maria Queely velasco [Entry]

Itaguyod Ang karapatan Ng mga Bata sa panahon Ng pandemya.
Anonymous [Entry]

Sa bawat basa
May pag-asa
carl david romero [Entry]

"Mag aral magbasa, wag sa dota magpakatanga"