Nagdudulot ng dalamhati, kalungkutan o gutom ang kahirapan. "Mahirap maging mahirap."
Upang maibsan ang kahirapan, narito gumawa kami ng mga slogan tungkol sa kahirapan upang imulat ang tao na magpakasipag upang makaahon sa kahirapan.
Mga Slogan Tungkol sa Kahirapan
1. Labanan ang kahirapan upang maginhawang buhay ay makamtan. - by wilkins dableo
2. Kahirapan ay alisin, kaya ang iyong katamaran ay lisanin. by wilkins dableo
3. Ang kahirapan ang isa sa nagpapalungkot sa tao, samantalang kayamanan naman ang nagbibigay kasiyahan sa tao. by wilkins dableo
4. Palaguin ang pinagkakakitaan, upang kahirapa’y malunasan. by wilkins dableo
5. Kahirapan lunasan sa pamamagitan ng kayamanan. by wilkins dableo
6. Laging magsipag upang kahirapa’y mapalitan ng kaginhawaang matatag. by wilkins dableo
7. Huwag padadaig sa iyong katamaran, upang kahirapan ay maiwasan. by wilkins dableo
8. Marami ang hindi nakapag-aaral dahil sa kahirapan. Kaya matrikula sa mga paaralan dapat bawasan. by wilkins dableo
9. Ang karamdaman ang isa sa nagpapakahirap sa lipunan. Kaya dapat magpakasigla para buhay ay giginhawa. by wilkins dableo
10. Ang susi ng pagpuksa sa kahirapan, ay ang kasipagan. by wilkins dableo
11. Iahon mo sa kahirapan ang iyong sambahayan, sa pamamagitan ng iyong kasipagan, na siyang iyong puhunan. by wilkins dableo
12. Hindi baling hindi yumaman, basta ang mahalaga makaahon sa kahirapan. by wilkins dableo
13. Kung gusto mong makaahon sa kahirapan, dapat magpakasipag ka hindi maglalaon biyaya’y uulan. by wilkins dableo
14. Kahirapan, kahirapan, kahirapan iyan ang sigaw ng taong bayan. by wilkins dableo
15. Huwag mangutang kung hindi naman kailangan, upang hindi maghirap sa mga babayaran. by wilkins dableo
16. Marami ang naghahangad na maging mayaman, pero kakaunti lang ang nakarating dahil sa kanilang katamaran. by wilkins dableo
17. Iwasan ang pagiging tamad, upang ang kaginhawaan sa buhay ay sumagad. by wilkins dableo
18. Pagbutihin mo ang paghahanap-buhay upang ikaw ay magtagumpay, hindi magtatagal malalasap mo ang maginhawang buhay. by wilkins dableo
19. Magpakasipag ka sa trabaho, upang kahirapa’y hindi matamo. by wilkins dableo
20. Nalulungkot ako kapag nakakita ako ng taong naghihirap, subalit natutuwa ako kapag sila’y nakaahon, at kaginhawaa’y malasap. by wilkins dableo
21. Hindi man ako kasing yaman nila, pero naiahon ko naman sa kahirapan ang aking pamilya. by wilkins dableo
22. Ang naghihirap ay hindi dapat pagtawanan, bagkus sila’y dapat tulungan na makabangon mula sa kahirapan. by wilkins dableo
23. Ang isa sa problema ng tao ay ang kahirapan, kaya dapat maaga pa lang ito ay iyong agapan, sa pamamagitan ng iyong kasipagan. by wilkins dableo
24. Mag-aral ng mabuti upang kahirapan ay hindi manatili, dapat maging masipag upang makamit ang solusyong matatag. by wilkins dableo
25. Kahirapan dapat mawala sa lipunan, upang hindi na magdusa ang mga mamamayan. by wilkins dableo
26. Dapat damihan ang trabaho sa ating bansa, upang kahirapa’y mapuksa. by wilkins dableo
27. Hindi man ako kasing talino ng iba, pero nakakabuhay ako ng sariling pamilya. by wilkins dableo
28. Dapat mong masusing pinag-aaralan, kung papaano masusolusyunan ang kahirapan ng iyong sambahayan. by wilkins dableo
29. Ang kahirapan ang naging dahilan ng kapighatian, kaya dapat tumakas, at humanap ng paraan. by wilkins dableo
30. Hindi mo na kailangan na maging mayaman, ang mahalaga maiahon ang sarili mo sa kahirapan. by wilkins dableo
31. Wala man akong maipagmamalaki na kayamanan, pero mayroon naman akong maipagmamalaking kasipagan. by wilkins dableo
32. Ang kahirapa’y walang magandang naiidudulot sa lipunan, kaya dapat itong malunasan, at mabigyan ang mga tao ng pagkakakitaan. by wilkins dableo
33. Sadyang mahalaga ang solusyon sa kahirapan, dahil ito ang nagpapabigat sa ating mamamayan. by wilkins dableo
34. Bigyang pansin ang lunas sa kahirapan, kasi ito ang naging dahilan ng pagbigat ng suliranin ng bayan. by wilkins dableo
35. Huwag mong baliwalain ang kahirapan, sapagkat ito ang nagbubunga ng kulungkutan. by wilkins dableo
36. Ang kahirapan ay salot sa lipunan, kaya ito ay dapat lunasan sa pamamagitan ng bayanihan. by wilkins dableo
37. Ang kahirapan ang siyang naghahatid sa tao sa kalugmukan. by wilkins dableo
38. Magiging masaya ang aking sarili, kung ang kahirapa’y mapapawi. by wilkins dableo
39. Ang nabubuhay sa kasalanan, ay tiyak magdadanas ng matinding kahirapan. by wilkins dableo
40. Tulungan mo ang iyong kapwa na makaahon mula sa kahirapan, upang maging mabuti kang ehemplo sa bayan. by wilkins dableo
41. Ang nangloloko sa kanyang kapwa tao, kailanma’y hindi aasenso. by wilkins dableo
42. Hindi ka dapat manghinayang kung kahirapa’y dumating sa iyong tahanan, sapagkat ito ang magiging dahilan upang kayamanan ay makamtan. by wilkins dableo
43. Marami ang nagkakasakit dahil sa kahirapan, kaya dapat itong solusyunan upang karamdaman ay maagapan. by wilkins dableo
44. Ang kahirapan ay pagsubok sa tao, kaya dapat maging produktibo para makita ang pagiging asenso. by wilkins dableo
45. Hindi ka dapat malungkot kung ang kahirapa’y dumating, dahil ito ang magtutulak sa iyo upang ang pangarap ay abutin. by wilkins dableo
46. Kahirapan dapat puksain, upang kaginhawaan ng buhay ay kamtin. by wilkins dableo
47. Ang kayamanan ay madaling tamasahin, kung ang kasipagan ay paiigtingin, at pasasaganain. by wilkins dableo
48. Ang dapat mong gawin para ang kahirapan ay mawala, dapat kang humanap ng paraan kung ano ang iyong magagawa. by wilkins dableo
49. Ang kahirapan ang nagpapabigat sa lipunan, habang ang kayamanan naman ang nagpapaunlad sa bayan. by wilkins dableo
50. Kung nais mong makatakas sa kahirapan, dagdagan mo ang iyong kasipagan, para pagpapala’y bubuhos sa iyong sambahayan. by wilkins dableo
51. Katalinuhan at kasipagan sagot sa kahirapan - by Felicity A. Espineda
Meron ba kayong mga natatagong slogan diyan tungkol sa kahirapan (poverty)?, pwede ninyong ipost ito sa comment sa ibaba. Isasama namin ang inyong mga slogan sa listahan sa itaas kasama ang inyong pangalan bilang may-akda.
- https://www.affordablecebu.com/