Home » Articles » Legal Advice

Sino ang dapat magpatunay na bayad na ang utang?

Sino ang dapat magpatunay na bayad na ang utang?
"Dear Attorney,

Ipina-barangay ko po ang umutang sa akin dahil sa hindi niya pagbabayad. Ipinakita ko po sa mga opisyal ng barangay ang promissory note na pinirmahan ng umutang sa akin ngunit sa halip na makipagkasundo, itinanggi pa ng umutang sa akin na hindi pa siya nakakapagbayad. Dahilan niya ay ako raw ang nag-aakusa kaya ako raw ang dapat ang magpatunay na hindi pa siya nagbabayad. May katuwiran po ba siya? Ako ba dapat ang magbigay ng pruweba na hindi pa niya nababayaran ang inutang niya?— Mel

Dear Mel,




Malinaw ang Supreme Court sa naging desisyon nito sa kaso ng Spouses Agner vs BPI Family Savings Bank Inc. (GR 182963, June 3, 2013) na sa mga kasong sibil, ang umutang ang siyang kailangang magpatunay na nabayaran na niya ang kanyang utang kung nakapagbigay na ng pruweba ang inutangan ukol sa napagkasunduan nila.

Kung may naipakita nang dokumento o anumang ebidensya ukol sa nangyaring pagpapautang, hindi na kailangang patunayan ng nagpautang na hindi pa ito nababayaran. Nasa umutang na ang tungkulin na patunayan na nabayaran na niya ang kanyang hiniram na halaga.




Ayon sa iyong inilahad, hawak mo at naipakita sa harap ng mga opisyal ng barangay ang promissory note na pinirmahan ng umutang sa iyo. Sa pagpapakita mo ng promissory note, hindi ka na obligado na patunayang hindi pa nababayaran ang utang sa iyo. Sa halip, ang umutang sa iyo ang kailangang magpatunay na nabayaran na niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng resibo o anumang katulad na dokumento." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Sino ang dapat magpatunay na bayad na ang utang?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 502 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0