Home » Articles » Legal Advice

Magkano dapat ang ipatong na interes sa utang?

Magkano dapat ang ipatong na interes sa utang?
"Dear Attorney,

Balak ko pong magpa­utang. Gusto ko lang po sanang ma­laman kung may limit ba sa batas ang interes na maari kong ipataw sa uuta­ngin sa akin? —Lanie

Dear Lanie,




Dati ay may Usury Law na nagtatakda ng 12% per annum­ na “ceiling rate” para sa interes ng mga pautang. Ngunit noong 1982, sinuspinde ito ng Central Bank Circular 905-82 kaya mula noon ay wala nang limit ang maaring ipataw na interes sa mga pagkakautang basta’t napagkasunduan ito at nakasulat ang naging kasunduan ukol sa interes.

Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay maari nang magpataw ng napakalalaking interes ang nagpapautang. Marami na kasing naging desisyon ang Korte Suprema kung saan ipinawalang-bisa nito ang napagkasunduang interest rate dahil sa pagiging unconscionable o hindi na makatwiran nito.




Halimbawa, sa kaso ng De La Paz vs L and J Development, pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang napagkasunduang 6% monthly o 72% per annum na interes dahil sa sobrang laki nito. Sa huli ay ibinaba ng Korte sa 6% per annum ang interes. Bakit 6% per annum? Ito kasi ang legal interes sa ilalim ng Civil Code, at madalas na ipinapataw na interes ng korte sa mga ina-award nitong halaga, o kapag ipinapawalang-bisa nito ang masyadong matataas na interest rate sa mga utang. 

Ayon din sa Korte sa  De La Paz vs L and J Development ay masyadong mataas ang anumang interes na hihigit sa 3% monthly o 36% per annum na interes. Kaya kung ako sa iyo, kung magpapataw ka ng interes ay siguraduhin mong makatwiran ito at hindi hindi hihigit sa 3% monthly. Baka kasi wala ka nang masyadong kitain mula sa pagpapautang mo kung sakaling magkademandahan kayo ng pinautang mo at ibaba ng korte  sa legal interes na 6% per annum ang interes sa iyong ipinahiram na halaga." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Magkano dapat ang ipatong na interes sa utang?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 606 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0