Home » Articles » Legal Advice

Paano kung late nang natanggap ang subpoena?

Paano kung late nang natanggap ang subpoena?
"Dear Attorney,

Nakatanggap po ako ng sub­poena mula sa city prosecutor’s office at nakalagay doon na ka­ila­ngan kong magsumite ng counter-affidavit at ng iba pang mga supporting documents sa naka­takdang petsa. Ang problema po ay huli ko nang natanggap ang subpoena at lipas na ang  petsang nakasaad doon. Ano po kaya ang maari kong gawin? Makukulong po ba kaagad ako?—Marc

Dear Marc,




Mainam na kumuha ka na ng serbisyo ng isang abogado dahil malaki ang posibilidad na kakailanganin mong magsumite ng motion upang mabuksan muli ang tinatawag na preliminary investigation para sa iyong kaso. Kung hindi ka kasi nakapagsumite ng iyong counter affidavit sa takdang petsa na inilaan ng prosecutor ay maaring desisyunan na niya ang reklamong kriminal laban sa iyo.

Hindi ka naman kaagad makukulong dahil kung sakaling makita ng prosecutor na may sapat na ebidensiya upang litisin ang krimen ay saka niya lamang iaakyat ang kaso sa husgado. Pagkaakyat ng kaso, saka na maaring mag-isyu ng warrant of arrest ang korte upang ikaw ay ipadakip.




Sa motion na ipapagawa mo sa iyong abogado, ilagay mo na huli na ng iyong matanggap ang subpoena at nakalipas na ang petsang nakasaad doon. Ikabit mo sa motion ang mga pru­weba na magpapatunay sa petsa nang natanggap mo ang sub­poena ka­tulad ng registry receipt ng post office. Hilingin mo sa prose­cutor na sana’y mabuksan muli ang preliminary inves­tigation upang mabigyan ka ng pagkakataon na marinig ang iyong panig at nang ikaw ay makapaghain ng counter-affidavit.

Malaki ang posibilidad na pagbigyan ng prosecutor ang iyong motion lalo na’t hindi mo naman kasalanan ang dahilan kung bakit hindi ka nakapagsumite ng iyong counter-affidavit. Ngunit tandaan na sa huli ay desisyon pa rin niya kung iaakyat na ba niya sa korte ang reklamo sa iyo o kung bibigyan ka pa niya ng pagkakataon." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Paano kung late nang natanggap ang subpoena?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 568 times and generated 1 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 1
Njxbqa [Entry]

atorvastatin 10mg us <a href="https://lipiws.top/">buy generic atorvastatin 10mg</a> atorvastatin 40mg sale