Home » Articles » Legal Advice

Ok lang bang hindi pansinin ang natanggap na ‘subpoena’?

Ok lang bang hindi pansinin ang natanggap na ‘subpoena’?
"Dear Attorney,

Ano po ang maari kong ikaso sa nangutang sa akin na nag-issue­ ng tumalbog na tseke? Nasa Php 100,000 po ang utang niya. Maari ko po ba siyang sampahan sa tinatawag na small claims court tapos ay sasampahan ko rin siya ng kasong estafa at BP 22? — Lanie

Dear Lanie,

Maari mong sampahan ng kasong sibil ang umutang sa iyo sa small claims court dahil pasok ang halagang sinisingil mo mula sa kanya. Maari mo rin siyang sampahan ng BP 22 lalo na kung napadalhan mo na siya ng demand letter ukol sa tumalbog niyang tseke.

Ukol naman sa pagsasampa ng kasong estafa, nakadepende ito kung kailan inisyu ng umutang sa iyo ang tseke. Masasabing estafa ang ginawa ng umutang sa iyo kung nag-issue siya ng postdated na tseke nang umuutang pa lamang siya sa iyo upang makumbinsi kang siya ay pautangin mo. Makikita kasing may kasamang panloloko ang pag-issue niya ng tumalbog na tseke.

Hindi naman masasabing estafa ang kanyang ginawa kung napautang mo na siya at saka lamang niya inisyu bilang kabayaran ang tseke na kalauna’y tumalbog.

Tandaan lamang na sa ilalim ng ating batas, awtomatiko nang kasama ang sibil na kaso kapag nagsampa ka ng kriminal na kaso para sa BP 22 o estafa. Hindi pinapayagang nakahiwalay ang sibil na kaso kapag BP 22 ang isinampa mong reklamo puwera na lang kung nauna ka nang nakapagsampa ng kaso sa small claims court.

Pinapayagan naman ang hiwalay na sibil na kaso sa estafa ngunit kailangan mo munang ipaalam sa korte kung nais mong magsampa ng hiwalay na kasong sibil o kung kasalukuyan nang may nakabinbin na kaso sa small claims court." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Ok lang bang hindi pansinin ang natanggap na ‘subpoena’?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 717 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0