Home » Articles » Legal Advice

Mag-ingat sa pagpirma bilang co-maker sa isang utang

Mag-ingat sa pagpirma bilang co-maker sa isang utang
"Dear Attorney,

Pumirma po ako bilang co-maker ng kaibigan ko na umutang sa isang lending site. Pumayag po ako dahil kilala ko namang mapera ang aking kaibigan. Ngayon po ay ako na ang sinisingil nila dahil hindi na raw nila ma-contact ang kaibigan ko. Maari po ba nila akong habulin kaagad kahit may pambayad naman ang kaibigan ko sa inutang niya? —Karl

Dear Karl,




Basahin mo ulit ang loan contract na pinirmahan mo bilang co-maker at tingnan mo kung ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” ay makikita sa kontrata.

Nakasaad kasi sa Article 1207 na sa mga sitwasyon kung saan higit sa isa ang pumirma sa isang pagkakautang, maaring ipanagot sa sinuman sa kanila ang buong obligasyon kung tahasan itong nakasaad sa napagkasunduan. Madalas ay ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” ang ginagamit upang isaad na maaring habulin ang kahit isa lamang sa mga nakapirma upang papanagutin at pagbayarin para sa buong halaga ng inutang.




Kung makikita sa kontratang pinirmahan mo ang mga katagang iyan ay maari ka ngang direktang habulin ng inutangan ng kaibigan mo at kailangan mong bayaran ang buong halaga ng utang, kahit pa may kakayahan naman siyang bayaran ito.

Kung wala naman ang mga katagang ay maaring hindi ka pagbayarin ng buong halaga ng inutang ngunit bilang co-maker ay siguradong may obligasyon ka pa ring kailangang panagutan kahit pa hindi ka naman nakinabang sa salaping hiniram ng kaibigan mo.

Sa parehong sitwasyon ay may karapatan ka namang habulin at sampahan ng kaso ang kaibigan mo upang mabawi mo ang anumang halaga na naibayad mo sa lending company bilang co-maker. Maari ka ring magsampa ng kasong kriminal katulad ng estafa laban sa kaibigan mo lalo na kung niloko ka niya para ikaw ay pumirma sa loan contract bilang co-maker." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mag-ingat sa pagpirma bilang co-maker sa isang utang" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 967 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0