Home » Articles » Legal Advice

Interest, ipapataw pa rin sa mga utang na na-extend ang due date dahil sa ECQ

Interest, ipapataw pa rin sa mga utang na na-extend ang due date dahil sa ECQ
"Dear Attorney,

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking banko ukol sa “accrued interest” ng aking car loan. Nagulat ako sa laki ng halaga ng interest na halos sinlaki na ng isang buwang monthly amortization. Ipinaliwanag nila na dahil daw ito sa dalawang buwang extension sa due date ng aking buwanang hulog. Tama po ang pagpapataw ng ganoong kalaking interest? – Eman

Dear Eman,




Bagamat kailangan ng mga banko na magbigay ng palugit sa due date ng pagbabayad ng mga utang alinsunod sa Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, maari pa rin silang magpataw ng interest sa mga buwang hindi nabayaran ang utang dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine. Ang ipinagbabawal na interest sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act ay ‘yung pagpapatong ng interest sa interest ngunit pinapayagan ang accrued interest na ipinapataw sa principal o ‘yung sa mismong halaga na hiniram mo.

Kung may maipapambayad ka naman, maganda kung makikipag-ugnayan ka na sa iyong banko at sabihin sa kanilang hindi mo na kailangan ng palugit at babayaran na ang iyong monthly amortization upang hindi na mapatawan ng interest ang iyong kailangang bayaran.




Sa ilalim din kasi ng Bayanihan to Heal as One Act ay kailangang munang magpaalam ng mga banko sa may utang bago sila mag-“auto-debit’’ kaya hindi nila maikakaltas kaagad sa bank account mo ang iyong monthly amortization kung walang pahintulot mula sa iyo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Interest, ipapataw pa rin sa mga utang na na-extend ang due date dahil sa ECQ" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 470 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0