Home » Articles » Legal Advice

Mag-ingat sa pag-iisyu ng postdated checks

Mag-ingat sa pag-iisyu ng postdated checks
"Dear Attorney,

Nag-isyu po ako ng post­dated checks sa aking landlord upang pambayad sa kada buwan kong renta. Ngayon po ay umalis na ako sa unit dahil hindi po ako makaba­yad kahit may limang buwan pang natitira sa kontrata namin. Hindi pa kami nagkakasundo ng landlord ukol sa pag-alis ko dahil ipinipilit niya na dapat ay tapusin ko ang aking kontrata. Ang ipinag-aalala ko po ngayon ay kung malalagay ba ako sa alanganin kung sakaling i-deposit pa rin ng aking landlord ang mga tsekeng inisyu ko na nasa kanya pa at tumalbog ang mga ito? —Andy

Dear Andy,




Oo, maaring pag-ugatan ng isang kriminal na kaso ang mga postdated checks na inisyu mo kung tumalbog ang mga ito matapos i-deposit ito ng iyong landlord. Simple lang kasi ang Batas Pambansa Bilang 22 o BP 22. Basta’t tumalbog ang tseke, maaring makasuhan ang nag-isyu nito kahit ano pa ang dahilan ng pagtalbog nito.

Ang BP 22 kasi ay isa sa mga krimen na kung tawagin ay “mala prohibita”. Kapag ang isang krimen ay mala prohibita, hindi mahalaga ang saloobin ng akusado at kung may intensyon ba talaga siyang labagin ang batas at gawin ang krimen.




Ang tanging titingnan lang ay kung ginawa ba niya ang lahat ng elemento ng krimen upang siya ay maparusahan sa ilalim ng batas na kanyang nilabag.

Sa kaso ng BP 22, basta’t  ikaw ay (1) nag-isyu ng tseke bilang kapalit ng anumang halaga, (2) at alam mong walang pondo para sa nasabing tseke na naging sanhi ng (3) pagkaka-dishonor o pagtalbog nito, maari kang mahabla at mapatunayang guilty sa paglabag ng BP 22.

Hindi maaring gamiting depensa ang kawalan ng intensyong manloko, o sa kaso mo, ang pag-alis mo na sa inuupahang unit. Basta’t tumalbog ang tseke at naipaalam sa iyo ang pagtalbog nito (na karaniwan ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng demand letter) ay malakas ang magiging kaso laban sa iyo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Mag-ingat sa pag-iisyu ng postdated checks" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 391 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0