Home » Articles » Legal Advice

Maari bang magmana ang mga kapatid?

Maari bang magmana ang mga kapatid?
"Dear Attorney,

Namatay po ang aking ama noong isang taon at ngayon­ ay inaangkin na ng mga ka­patid niya ang isa sa mga lupaing may titulo at nakapa­ngalan naman sa tatay ko. Ang dahilan nila ay sila ang may karapatang magmana ng nasabing lupa dahil matagal nang sa angkan nila ito at sila naman ang nagsasaka nito. Tama po ba sila?

– Mae 




Dear Mae,

Mali ang mga kapatid ng ama mo. Sa ilalim ng Civil Code, walang karapatang magmana ang mga kapatid kung ang namatay ay may naiwang compulsory heir katulad ng anak, magulang, o mga apo.


googletag.cmd.push(function() { googletag.display('gpt-ad-MREC_Article'); });



Walang halaga sa mata ng batas ang mga sinasabing dahilan ng mga kapatid ng ama mo na kesyo matagal na sa angkan nila ang lupain at sila naman ang nagsasaka nito dahil malinaw sa batas na wala nang karapatan­ ang mga kapatid na magmana ng mga naiwang ari-arian kapag may naiwang compulsory heir o iyong mga iti­nakda ng batas na magmamana ng mga ari-arian ng na­matay katulad ng anak.

Maari silang pamanahan kahit may naiwang asawa, magulang, anak o apo ang yumao ngunit ito ay sa pamamagitan lamang ng isang last will and testament at ang pamana na ito ay hindi maaring iawas mula sa bahagi ng mana na inilaan ng batas para sa compulsory heirs." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang magmana ang mga kapatid?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 469 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0