Home » Articles » Legal Advice

Maari bang magkasal ang mga abogado?

Maari bang magkasal ang mga abogado?
"Dear Attorney,

Ikinasal po kami ng asawa ko noong 2002 ngunit hiniwalayan ko na po siya.

Bagama’t hindi pa po namin napapawalang-bisa ang aming kasal sa husgado ay ilang taon na rin po kaming hindi nagsasama.




Noong isang taon, nama-yapa po ang aking ama at pinamanahan po ako ng kapirasong lupa.

Gusto ko po sanang ibenta na ang lupang ito ngunit hindi ko alam kung conjugal property ba ito at may bahagi ba ang asawa ko rito. —Nina




Dear Nina,

Hindi mo nabanggit kung may prenuptial agreement kayo ng asawa mo bago kayo ikinasal. Kung mayroon, ang prenuptial agreement ang mananaig ukol sa mga isyu ng ari-arian sa pagitan n’yong dalawa.

Kung wala naman ay ang Article 92 ng Family Code ang mananaig sa pagitan ng mag-asawa pagdating sa usapin ukol sa pagmamay-ari ng mga ari-ariang natanggap sa pamamagitan ng donasyon o bilang pamana.

Ayon sa Article 92 ay pag-aari ng bawat isa ang mga ari-ariang kanilang natanggap bilang donasyon o namana matapos silang ikasal.

Kaya kung wala kayong prenuptial agreement, sarili mong pag-aari ang lupang minana mo kahit may bisa pa rin ang kasal n’yo ng asawa mong hiniwalayan mo na." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang magkasal ang mga abogado?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 570 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0